Chapter 1

1640 Words
~(AYEN DELA FUENTE POV) Everyone was greeting me, bowing their heads and giving me enough space to breathe. Alam ng mga empleyado ko na ayokong malapit sa kahit sino man. They knew how I hated people around me especially the stupid ones. Mabilis huminto ang mga naglalakad at tumabi sa isang gilid para yumuko. Pagdating sa floor ng opisina ko, agad akong binati ni Tina at sumunod sa likuran ko. Pinahid ko ang desk gamit ang forefinger ko. Tina must've cleaned it well. Mabuti naman. Para saan pa at sinuswelduhan ko siya ng malaking halaga kung hindi niya gagawin nang maayos ang trabaho niya. Almost 3 years na siyang nagtatrabaho sa akin. Good thing, natitiis niya ang istriktang ugali ko. Mabuti na rin na pumasok ito sa standards ko. Mabilis ang process ng utak niya at pasok sa standards ko ang common sense niya, plus, she knew what I hated the most. Umupo ako sa swivel chair ko nang masigurong maayos ang buong opisina ko. I always do check if everything was perfect. "Miss..." Nag-aalangang iniabot nito sa akin ang dyaryo. "I'm not interested about any news these days, keep that for yourself," I said habang binubuklat ang folder na nasa ibabaw ng mesa ko. "Baka gusto niyo lang pong makita, headline po kasi kayo nitong dyaryo." Napatigil ako sa sinabi nito at hinablot ang dyaryo mula sa kanya. [Famous businesswoman, Ayen Dela Fuente, almost kill a guy during her launching event...] Hindi ko tinapos basahin ang kabuoan ng content ng news na iyon. I crumpled it pagkatapos ay hinagis ko kung saan out of anger. I closed my eyes, leaned back and massage my temple. Naalala ko na naman ang manyakol na lalaking iyon. Kung wala lang talaga ako sa event malamang ay napatay ko na siya. He must be thankful na sinisikatan pa siya ng araw ngayon, he was a lucky bastard indeed. "I don't want to see any news regarding that event ever again, understood?" I said in gritted teeth. "Yes, miss..." sagot nito at yumuko. "Now, get me a glass of water." Nag mamadali itong lumabas ng opisina ko. I heaved a deep sigh. That news just ruined my entire day. Pagbalik ni Tina may dala na itong baso ng tubig na agad niyang binaba sa mesa ko. "What took you so long?" May inis na tanong ko at tinaasan siya ng kilay. "Sorry, miss, tumawag po kasi ang daddy niyo, hindi niya raw po kayo ma-contact dahil nakapatay ang phone niyo." Hindi naka-patay ang cellphone ko. Ayoko lang ng kahit ano at kahit sinong istorbo sa oras ng trabaho. "What did he say?" tanong ko habang patuloy pa rin sa pag-scan ng documents na nasa ibabaw ng mesa ko. "Uhm, sunduin niyo raw po sa airport ang kapatid niyo—" "What?" Nag-angat ako ng tingin. Napayuko ito sa reaksyon ko, "No way!" Narinig ko palang ang salitang 'Airport' alam ko na kung sino ang tinutukoy niya. "Ang sabi po niya sa mansion daw po kayo mag-dinner. Kapag hindi raw po kayo pumunta ipapasundo raw po kayo sa mga bodyguards." Seriously? Why it seemed like he was forcing me to go? Inilagay ko ang dalawang siko sa table at napasapo sa ulo ko. "God, dad..." I murmured in frustration. "Miss?" tawag sa akin ni Tina. Tinapunan ko ito ng masamang tingin. "What are you still doing here? Get out!" Nagmamadali itong lumabas ng opisina ko. Napakuyom ang mga palad ko. Damn it. Pagpasok ko sa loob ng mansion, agad kong nakita si dad sa living room, hinalikan ko ito sa pisngi even I was still a little bit upset. "Oh, my beautiful daughter," he stated. "Beautiful as ever," dagdag ko at pinasadahan ko ng tingin ang buong living room. Still the same. Nasisilaw pa rin ako sa mga gintong kagamitan sa loob. "Bakit ngayon ka lang? Your tita and I were waiting for you, akala namin kasabay mo na si Gwen magpunta rito." Automatic na umikot ang eyeballs ko hearing that name. Hindi ko na sinagot si dad dahil ayokong madagdagan ang stress ko the entire day. I've had enough. "Ayen, we missed you here!" Si tita habang pababa ng hagdan. She was wearing a formal red dress na bagay na bagay sa maputlang kulay niya. She was so pretty. Kahit may edad na ay mukha pa rin siyang millennial. No doubt ginusto ni dad mag-asawa ulit after my mom died. "Nice to see you again, tita," I said hinayaan itong ibeso ako. "Oh, ano pang hinihintay natin? Tikman mo na ang niluto ko, alam kong na-miss mo na rin ang mga iyon." Ngumiti ito nang malapad at iginiya ako sa dining area. "Oh, what a mouth-watering dishes," saad ko nang makita ang mga nakahaing pagkain sa mesa. Lahat yata ng klase ng karne ay nakahain doon. Mayroon ding mga lutong gulay. I liked it na hindi nito nakakalimutan na hindi ako kumakain ng karne. "I cooked your favorite chopsuey. Alam kong hindi ka mahilig sa karne." Umupo ako sa favorite spot ko. "You shouldn't bother, I still feel a little bit full. Thanks tho." "You're always welcome, hija. Pinatawag ko na sina Gwen at Sia, pababa na rin ang mga iyon," sabi ni tita sabay upo sa tapat ko katabi ni dad. "Hey, Ayen!" sigaw ng matinis na boses. I mentally rolled my eyes. Alam ko kung sino ang may-ari ng tinig na iyon. Sia. My 7 years old stepsister. Umupo siya sa tabi ni tita habang ngiting-ngiting nakatingin sa akin, litaw ang maliliit na ngipin nito. "You look pretty and stunning, I like your dress," she said. At least, for the very first time may lumabas na magandang salita sa masama niyang bibig. Alam ng kahuli-huling dugo at ugat ko sa katawan kung gaano ko siya ka-hate at ang ate niyang si Gwen— "Hi, good evening everyone." There she was. I simply rolled my eyes. Kahit hindi ko pa ito nakikita ay nawawalan na ako ng ganang kumain. Umupo siya sa tabi ko at hindi ako nag-abalang lingunin siya. She didn't deserve my attention. "Hi Ayen, it's been a year, nice to meet you again here." I didn't say anything as uf I didn't hear her at all. Bumaling din naman agad ito kay dad at tita. "Shall we eat?" "Let's pray first," said tita and lead the prayer. Si Gwen, habang nagdadasal ay kumukupit ng pagkain sa mesa. "Gwen..." saway sa kanya ni tita pagkatapos magdasal. "What? I'm starving because of waiting for nothing." "Ayen, I told you to fetch her right?" ani dad. "I had an important meeting with an IMPORTANT investor, I just couldn't cancel it." Pagsisinungaling ko. "Besides, I'm not a chauffeur not even her PA to fetch her. Gwen has her own feet and not so huge brain to be able to get home, see? She got home safe, good for her." "Ayen, watch your tongue, honey..." said dad. "It's okay, dad, I don't mind it. Sanay na ako kay Ayen," said Gwen and gave me a smirk. In fairness, mukhang sinampal siya ng puberty sa Italy. She had changed a lot. I just hope naidamay niya na rin ang utak niya, if there's any. Napabuntong hininga na lang si dad. Ayoko nang isipin pa kung gaano siya ka-frustrated sa attitude ko. He knew me so well. I won't change for the sake of anyone lalong lalo na sa anak niya. "How's your new open jewelry line, Ayen?" tanong ni tita. "So far, my team are doing great and we're planning to open at least 100 branches nationwide for the whole year," sagot ko. "Oh, that's so nice, hija. You never failed to make us proud," may ngiti sa mga labing bigkas ni tita. "Oh, I've read about it. Well, safe to say that your jewelry line is dope as hell so as your event night. I hoped I was there, but unfortunately I missed a lot of scenes," nakangising saad ni Gwen. "I won't invite you, anyway," I said sarcastically at her. "Ano bang nangyari doon, hija?" tanong ni dad sa akin. "I don't want to talk about it, dad," I said coldly. "I heard she almost kill a guy and—" Hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil binagsak ko ang mga kubyertos sa pinggan ko. "I said I don't want to talk about it," mariing sabi ko. "Oops..." pang-iinis ni Gwen and managed to smirk at me. Ini-atras ko ang silyang inuupuan ko and stood up. "I have to go," malamig na sabi ko. "No, hija, you'll stay here for the rest of the night," said dad at pinunasan ng napkin ang gilid ng labi niya. "I'm 25 years old now, dad, let me remind you in case you have forgotten. I am not a kid anymore, I have my own home to stay in. Now, excuse me." Nagsimula na akong humakbang palabas ng dining area. Narinig ko pa ang ilang beses na pagtawag ni dad sa pangalan ko at ang pagsaway sa kanya ni tita. Hindi pa ako nakakapasok sa loob ng sasakyan ko nang may marinig akong nagsalita. Napatingin ako sa main door. Gwen was standing there, arms above her chest. "You're still mad at me, aren't you?" Gwen asked. "Isn't it obvious?" She chuckled at tumayo nang maayos. "Time didn't make you any kinder to me, Ayen." I almost raise an eyebrow at her. "Because you simply don't deserve my kindness as well as my time, Gwen," saad ko at binuksan ang pintuan ng sasakyan ko. I hated wasting time on something not worth it. "See you tomorrow then," nakangising sabi nito at lumakad papasok sa loob ng mansion. Gusto ko na itong sabunutan pero ayokong masira ang perfectly polished kong kuko para lang sa madumi niyang buhok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD