Makalipas ang dalawang buwan .....
"Sir patext po ako"
Gusto mo tawag pa e ..
"Puwede po ba ? "
Oh, sige itago lang ng mabuti, baka malasin ka kapag may makakita niyan.
"Yes sir!"
(Madaling madaling magtago sa CR, para mag tago at makatawag)
0946 ( _ _ _ _ _ _ _ ) anu ngang number nun ? Hala nakalimutan ko na ata .. Pilit ko alalahanin para lang matawagan ko si mahal ..
Nakatawag kana torres !?
"Hindi pa sir, saglit po lang malapit na to !"
"HELLO ? MAHAL !!! I MISS YOU NA , I LOVE YOU !! HUHU NAKITAWAG LANG AKO SA SIR KO . KAMUSTA KANA ? "
Sagot ni Mahal : " Hello , ay saglit lang ha . May ginagawa pa ako" </3
"HA?"
"Sir , tapos na po . Maraming Salamat po" :)
Nakausap mo naba ang gusto mong tawagan torres?
"Yes sir :) Nakausap ko na po . Maraming Salamat po:)
(ANG SAKIT ! GUSTONG GUSTO KONG UMIYAK SA GALIT SA SAKIT !! ANG HIRAP GUMAWA NG TIYEMPO , HUMANAP AT GUMAWA NG PARAAN )
--------------------------------------------------------------------------------------------------------
"HI BABE" Text message from: Cdt. Castillo.
Reply : Hello babe, kamusta ka ? Napagod kaba kanina sa mga parusa haha .. Muntikan na tayo malasin.
"PFT na natin .. Kaya mo yan babe "
(Cdt. Castillo , isa sa naging karelasyon ko sa loob, hindi naman ako sa kagandahan pero may mga nagkakagusto .. Unti unti kong nakalimutan si mahal , pumalit ang galit na nararamdaman kesa sa pagmamahal.)
PRACTICE PRACTICE PRACTICE FOR THE GRADUATION MGA CADETS !!!
Ikaw Torres ! Mag platoon leader ka .. !
Sir yes sir !!
(Binigay lahat ng makakaya during training , at dahil na din kay babe i lumakas din ako sa physical examination namin. Palagi akong pasado)
"Babe , ikaw ang naging inspiration ko nag top 1 ako . Para sayo :) - galing kay cdt. castillo ..
"Torres, wag kang maniwala diyan kay castillo , may girlfriend sa labas yan ! "
Sabay naalala ko , may boyfriend nga din pala ako .. Parehas lang kami may karelasyon ..
"Babe , sabihin mo nga ang totoo may karelasyon kaba sa labas castillo? - Ang tanung ko.
"Oo meron, pasensya na . Itigil na natin to. " - cdt. castillo
"Minahal kita babe, pero wala akong magagawa ayokong may masaktan na iba at babae siya tulad ko."
--------------------------------------------------------------------------------------------------------
At nang dahil sa kadahilang hindi ko talaga malaman laman !
Nagkaroon ulit ako ng karelasyon ng kasama sa training ..
(GRADUATION DAY)
Text Message from mahal : Mahal? ? ?
"Rereplyan ko ba to ? Hindi ko alam, anung sasabihin ko sa kanya ? Who you ? Sino to ? Bakit nag text ka ? Bakit anung kailangan mo ? Sorry boyfriend nya to .. Sino ka ? Anu sasabihin ko sa text message niya!"