Chapter 13 Alexa It’s Saturday, pinauna ko na si Ally umuwi kasi may mga tinatapos pa kami ni Troy na gagawin namin board meeting sa lunes. Kumuha ako ng malalim na hininga. Tiningnan ko ang folder kung saan naglalaman ang mga kailangan kong pag-aralan para sa reporting ko every 15th and 30th of the month. Isa pa ay may negosyateng dadalo daw sa Lunes. Ako din ang binigyan ni Troy na task para maging spokesperson niya sa Business Proposal na ginawa niya sa client. For me hindi naman iyon mahirap. Maning-mani na sa akin ang maging public speaker kasi iyon din ang ginagawa ko sa una kong trabaho. Kumuha ako nang malalim na hininga. “Sana magawa ko ng tama ang proposal na ito sa lunes…” mahinang sambit ko sa sarili habang nakatitig sa putting folder. “Of course, you can.” Napasinghap

