Chapter 24 - Nagbalik na Liwanag Matt's Point-of-View Lumilipas na naman ang mga araw, hindi pa rin nauubusan ng pakulo si Josh, napakasweet talaga, meron pa yung day na binuhat niya talaga ako at naligo kami sa dagat, hindi niya ako binatawan ng mga panahon na iyon, yung mga yakap niya, grabe ibang sensyason pa rin ang naiibigay nito sa akin. Labis na saya talaga ang nadarama ko, talagang pinaparamdam sa akin ni Josh kung gaano niya ako kamahal kada oras, minuto at segundo na lumilipas, talagang binabawa niya ang mga oras na nagkahiwalay kami. Ngayon nga ay nakaupo kami sa terrace ng rest house nila sa. Gabi na, ayun din yun kay Josh, pinagmamasdan niya ang mga bituin sa langit, at siya namang dinedescribe niya sa akin ang itsura ng mga ito.

