Belyn “Basta tatawag ako sa 'yo soon, kailangan ko lang talaga bumalik sa mga kasama ko baka hinahanap na nila ako. Mamaya niyan bigla akong ipa anunsyo rito sa mall na nawawala,” biro ko pa kay Kianna, na kina halakhak nito. Itinuro ko ang pinto. “Lalabas na ako ha? Masaya ako nagkita ulit tayo. Totoong kaibigan ang turing ko sa inyo kahit hindi kayo naging totoo sa akin.” Natulala si Kianna ng bumungisngis ako. “Kianna, sineryoso mo naman,” naaliw kong saad sa kaniya. Talaga nga nawala na ang maldita nito noon na ugali. “Nakaraan na iyon tsaka mga bata pa tayo noon, kaya siguro madali tayong maimpluwensyahan ng mga taong nakapalibot sa atin kaya madali tayong magtiwala. See you soon, Kianna,” ani ko at humakbang na. “Maya-maya na ako ng konti. Nandoon sa labas ang asawa at dalawa ko

