Belyn “Sige na Aaron. Invite n'yo ako sa bahay n'yo. Tumingin din si Ate sa akin. Belyn, doon ba kayo ngayon nakatira? Balita ko parang palasyo ang mansyon ng mga Chong at Rubellite. Sayang nga noong pagkatapos ng kasal n'yo, si Mommy may toyo. Ayaw pumunta. Bago ko lang naman nalaman na kapatid pala nitong si Aaron ni Sky Ernest,” “Ate kailangan mo ba talaga iyan iutos sa asawa ko?” suway ko sa kaniya. Tumingin ako sa Nanang Luisita. Naiiling sa pinagsasabi ni Ate Anely. Tsaka bakit siya atat makilala si Sky? Saan niya ito nakadaupang palad? Sa tingin ko sa dalawang kapatid ni Aaron na lalaki. Sky Ernest is more snobby than his twin. Samantala si Cloud ang parang easy go lucky. Palabiro, that's what I noticed. Dahil si Cloud ang madalas mang-asar sa Kuya nilang si Aaron, noong una kon

