Belyn “Grandma!” agad nagpababa si Benesha kay Aaron pagdating namin sa living room. Tumakbo agad sa sofa kung saan naroon ang buong pamilya ni Aaron. Sa amin ni Aaron sila nakatingin samantalang si Benesha, agad itong umupo sa gitna pagdating doon sa tinawag nitong grandma at may katabi itong may-edad na lalaki ito na yata ang sinasabi ni Ate Tala na parents ni Mommy Eulyn. Kasi may mga puti na sa kanilang buhok subalit hindi pa gaanong matandang tingnan. Mag-attend din ba sila sa kasal namin ni Aaron?Saan kaya sila nanggaling kasi kung airplane ang sinakyan ibig sabihin malayo rin ang pinanggalingan ng magulang ni Mommy Eulyn. Eh, parents kaya ni Daddy Maynard? Bakit wala yata? “Baby, five years ng namayapa ang Mama ni Dad. Halos magkasunod lang after one year, Papa naman ni Daddy an

