Belyn Madaling araw na nang makarating si Aaron sa funeral home. Tulog akong nakahiga ako sa mahabang upuan. Pinatulog kasi ako nila Daddy at Nanang, nang dumating ang alas-diyes pa ng gabi. Nabanggit ko kasi kay Daddy, possible ulit akong nagdadalang tao. Natuwa sila maging si Ate Anely nga namangha pa. Biruin daw siya ang panganay. Pero nanatiling single si Ate Anely. Nakangiti na kanina si Ate. Hindi kagaya noong pagdating ko sobrang lungkot ng kapatid ko dahil sa pagpanaw ng Mommy Vilma. Naulinigan ko mayroon nag-uusap sa aking tabi. May unan at kumot ako. Binilhan ako ni Nanang kanina habang maaga pa. Kasi sa harapan ng funeral home. May tindahan ng mga gamit sa bahay. May humalik sa noo ko. Kilala ko kung sino iyon kahit ako'y nakapikit. Si Aaron. Ang asawa ko hindi ako maaaring

