Belyn Nag-iwas ako ng tingin nang makita na hindi kotse ni Dad ang dumating. Kaibigan pala ni Elysa ang dumating. Si Blake raw iyon bulong ni Aaron, kapatid daw iyon ni Fritz. Ito ang tinutukoy na bestfriend daw ni Elysa. Naririnig ko pa rin na tumatawag si Aaron kay Dad, kasi patuloy nagri-ring ang phone nito. Napayuko ako kunwari na lang tse-check ko ang aking mga kuko para lang hindi nito makita ang pinipigilan kong nakadungaw na luha sa aking mata. “Tinanggihan siguro ni Mommy si Daddy na pumunta rito," bulong ko lang dapat iyon, subalit narinig pala iyon ni Aaron ng hindi sinasadya kaya narinig kong suminghap si Aaron, kapagkuwan ay kinabig ako upang yakapin. Basta rin akong nagpatangay na lang sa kaniya at sumubsob sa dibdib ni Aaron at mariin kong ipinikit ang aking mata. Nangin

