Kabanata IV: Nakaraan

1744 Words
PATULOY na gumugulo sa isip ni Meteor ang mga sinabi ni Elma sa kaniya nang nasa batis siya, kaya agad siyang nagsagawa ng pananaliksik tungkol sa mga nangyari ngunit pinagtakhan niya nang wala siyang mahanap na article sa Internet tungkol sa Pulan at sa mga misteryosong mga kaganapan doon. Lalo siyang nagduda sa mga nangyayari dahil ganoon din ang nangyari sa kaniyang ama. "Ano'ng misteryo ang nakatago sa Barangay Pulan at bakit kailangang itago ang mga seryosong krimen na dapat iniimbistigahan?" tanong niya sa sarili habang nakaharap sa Laptop niya na nakapatong sa mga hita niya dahil kasalukuyan siyang nasa kaniyang kama. Habang nag-iisip siya sa mga nangyari, napapitlag siya nang tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya iyon at nakita niya ang pangalan ng kaniyang ina. Pumikit siya, saka bumuntong-hininga bago sinagot ang tawag. "My God, Meteor! Finally, sinagot mo rin ang tawag ko," tila nakahingang maluwag na sambit ni Bei sa kaniya mula sa kabilang linya. "Anak, come on, please come home now. I'm worried, nag-aalala ako sa 'yo kaya please, umuwi ka na rito sa Manila." Umirap si Meteor. "'Ma, hindi ako uuwi ng Manila hanggat hindi ko nalalaman ang mga bagay na dapat kong malaman," matigas na sagot niya. "Hindi ako matatahimik, 'Ma kung mananatili ako riyan na kasama mo habang maraming tanong sa utak ko na paulit-ulit na bumabalik at naghahanap ng kasagutan. Kung hindi mo sa akin sasabihin ang alam mo, ako mismo ang aalam ng lahat." Kung nakikita lang niya ang kaniyang ina, sigurado siyang nakatampal na ito sa noo at hindi na maipinta ang mukha sa galit. "Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na wala akong tinatago sa iyo at wala kang dapat malaman dahil sinabi ko na ang lahat. Ang pagkamatay ng ama mo? Ilang beses ko bang sasabihin na ang pagkamatay ni Roger ay aksidente at walang kinalaman sa kung sino'ng tao," giit ng kaniyang ina. Suminghap si Meteor. "Hindi ako naniniwala, Ma, hindi aksidente ang pagkamatay ni Papa at patutunayan ko iyon sa inyo," patuloy niya. "Meteor, please makinig ka naman sa akin, oh! Huwag mo nang balikan ang nakaraan, hindi na iyon ang buhay natin, nandito na tayo sa kasalukuyan." Hindi na siya umimik at walang pasabing pinatay ang tawag. Hindi siya naniniwala na aksidente ang nangyari dahil malinaw na malinaw sa kaniya ang nasaksihan bago mamatay ang kaniyang ama. Hindi niya makakalimutan ang gabing iyon nang mamatay ito. Nagising si Meteor nang marinig niya ang malakas na ungal ng mga aso sa paligid. Hindi niya alam kung ano'ng uri ng aso iyon dahil hindi iyon karaniwang ungal dahil malakas iyon na parang tumatawag. Bumangon siya sa pagkakahiga at lumabas ng silid para sana uminom ng tubig pero saktong nakita niya si Berto ang ama niya na lumabas ng bahay. Nagtaka siya dahil dis-oras na ng gabi. Saan naman ito pupunta ng ganoong oras? Dahil sa pagtataka niya, sinundan niya ang kaniyang ama at nakita niyang pumasok ito sa masukal na gubat, 'di kalayuan sa bahay nila. Mas lalo siyang nagtaka dahil ano'ng gagawin ng kaniyang ama roon? Kilala si Berto sa Barangay Pulan bilang isang tagapagtanggol ng kalikasan. Ilang beses na itong muntik mapahawak dahil sa pagpigil nito sa mga taong sumisira ng kagubatan. Minsan, nagtatagumpay ito at minsan naman ay walang magawa dahil sa malalakas na tao ang nakakalaban nito. Dahan-dahan ang bawat lakad ni Meteor para hindi siya mahuli ng kaniyang ama. Hanggang sa huminto si Berto sa parteng gitna ng mga puno at luminga sa paligid kaya agad siyang tumago sa malaking puno. Kasunod niyon ay ang paglabas ng limang lalaki mula sa madilim na bahagi ng gubat. Tanging ang buwan na ang tanglaw ng lugar. "Mabuti naman at tinupad mo ang pinangako mo," narinig niyang sabi ng isang lalaki na tila nangunguna sa mga naroon. "Nandito na ako at tinupad ko ang gusto mo kaya bilang kapalit, huwag mong idadamay ang pamilya ko," sagot ni Berto. Napaawang ang bibig ni Meteor sa narinig. Gumapang ang kaba sa buong katawan niya. Sino ang mga lalaking iyon at ano'ng ibig sabihin ng mga sinabi nito? Hindi pa rin siya lumabas sa tinataguan niya. "Ok, fine, dahil may isa akong salita, hindi ko idadamay ang pamilya mo pero ikaw—" Nagulat na lang si Meteor sa sumunod na nangyari. Lumabo ang paningin niya at nawala ang pandinig, kasunod ang pagkawala niya ng ulirat. Hindi niya narinig ang lahat at nasaksihan. Nagising na lang siya, nasa silid na siya at wala na ang kaniyang ama. Namalayan na lang ni Meteor ang pagpatak ng luha sa mga mata niya dahil sa alaalang iyon. Pinanghihinayaan niyang hindi niya nakita kung sino'ng gumawa niyon sa kaniyang ama. Nanatiling sikreto lang niya ang nakita niya noon at hindi na niya sinabi sa kaniyang ina. Pero sa kabila niyon, labis na pinagtakhan niya ang nangyari sa kaniya, nawalan siya nang malay at nagising na lang siya na nasa sariling silid. Pinahid niya ang luha sa kaniyang mga mata. Pinagdikit niya ang mga labi, saka bahagyang tumingala. Labis na nami-miss na niya ang kaniyang ama dahil ito ang nagturo sa kaniya ng lahat ng mga bagay na dapat niyang matutunan katuwang ang kaniyang ina. Sinara niya ang Laptop, saka nagpasiyang humiga para magpahinga. Pilit niyang inaalis ang alaalang iyon na matagal nang nagiging bangungot sa kaniya. — HINDI dapat magsayang ng panahon at oras si Meteor para hanapin ang totoong nangyari sa kaniyang Ama at sa buong Pulan na tila ba lahat ay walang lakas ng loob na alamin ang misteryong mga kaganapan sa Barangay. "Hello, 'Nay alam niyo po ba kung bakit may nag-o-operate ng illegal logging sa bundok ng Pulan?" tanong niya sa babaeng nakasalubong niya. Iyon ang pakay niya nang araw na 'yon, ang magtanong sa mga tao sa Pulan tungkol sa maraming misteryong nangyayari sa lugar. Hindi niya alam pero agad na umiwas ng tingin ang babae sa kaniya at nabanaag ang takot doon. "S-sorry, Miss pero w-wala akong alam roon, eh. Sige, nagmamadali ako, eh," tarantang ani ng babae. Hindi na ito lumingon sa kaniya at dire-diretsong naglakad palayo. Napakunot-noo na lang siya at pinagmasdan na lang ang babae. Naglakad pa siya at nakikita niya ang ilang mga taga-barangay na abala sa kanilang mga ginagawa. Kung lilibutin ang lugar, masasabing isa nga iyong lugar na naiwan ng pag-unlad. Simpleng mga bahay na gawa sa kahoy at kawayan, iilan lamang doon ang kongkretong tahanan. Binilisan niya ang paglalakad para lapitan ang isang babaeng sa tantiya niya ay kaedad lang niya. "Ate, Ate," tawa niya rito. Huminto ito at humarap sa kaniya. "Ate, may itatanong lang ako." Ngumiti siya rito. Saglit siyang sinuri ng dalaga na nagtataka, marahil dahil hindi siya pamilyar dito. "Ano po 'yon?" "Alam niyo ba 'yong tungkol sa pagpuptol ng maraming puno sa Barangay Pulan?" Kumunot ang noo ng dalaga. Umiwas ito ng tingin sa kaniya. "Wala kaming alam tungkol doon, pero sinasabi nilang may permit iyon mula sa munisipyo, bukod doon, wala na kaming alam." Saglit itong tumingin sa kaniya. "Sige po, may gagawin pa ako." Umalis na ito sa harap niya. Mas lalo siyang nagtaka. Bakit parang hindi pinag-uusapan ang tungkol sa pagpuptol ng puno sa Barangay Pulan? Ang bagay na iyon ay hindi pwedeng ipagwalang bahala dahil halos ubusin na nila ang puno sa lugar. Wala bang pumipigil sa maling gawaing iyon? "Hey! Meteor, right?" Napakurap siya nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Bumaling siya sa gawing gilid niya at tumambad sa kaniya si Luke na malawak ang ngiti. Agad naman siyang ngumiti kahit alangan iyon. "Ikaw pala, Luke," aniya. Umiwas siya rito ng tingin dahil nadi-distract siya sa kulay asul nitong mga mata at sa gwapo nitong mukha. "What are you doing here? Namamasyal ka ba sa Pulan?" Inilagay nito ang mga palad sa bulsa ng pants na suot. Umiling siya. Nang maalala niya ang pakay niya, seryoso niyang tiningnan si Luke. Baka may alam ito sa nangyayari sa lugar. Napangiti siya at nakaramdam ng pag-asa. "Hindi ba't matagal ka ng nakatira sa Pulan, right?" excited na tanong niya. Saglit siya nitong tiningnan, saka nagtatakang tumango. "Yeah! I lived here since I was a fetus or maybe when I was a sperm," natawa ito sa isinagot. Pipigilan sana niyang tumawa pero hindi niya nagawa dahil sa sagot nito. Napayuko siya habang pinipigil na mapahagalpak ng tawa. "But kidding aside, I was born and raised here in Pulan. Why are you asking?" Seryoso na ang mukha niyo. Pinigil niya ang sarili na tumawa pa na nagawa naman niya. Sumeryoso siya. "Hindi ko alam kung dapat ko bang itanong ito sa 'yo, pero may alam ka ba sa maraming misteryong nangyayari sa Pulan? Sa illegal logging sa bundok, kung saan halos maubos na ang mga puno roon. I'm just wondering why there's no one wants to complain." Hindi agad nakasagot si Luke, nanatili ang mga tingin nito sa kaniya na para bang sinusuri siya. Kapagkuwa'y, yumuko ito ng saglit. "Ano'ng ibig mong sabihin?" usisa nito. Lumunok siya. "I have this feeling na may kakaibang nangyayari sa Pulan na dapat kong malaman." Huminga siya. "Alam kong alam mo rin ang tungkol sa pagpuputol ng puno sa bundok pero bakit parang walang ginagawa ang mga tao at ang mga pulitiko?" Bakas ang inis sa boses niya. Kumunot ang noo ng kaharap niya. "Nandito ka ba sa Pulan para imbestigahan ang bali-balita at ang tungkol sa illegal logging sa bundok?" Humakbang ito palapit sa kaniya. "Meteor, there's a thing that ordinary people shouldn't be involved with. Maraming bagay na kahit alam nating mali, mas mabuting huwag na lang tayong makialam dahil baka buhay natin ang kapalit," mahinang sabi nito. Kumunot ang noo niya habang direktang nakatingin kay Luke. May kakaiba sa lalaki na nararamdaman niya. Para bang may damdamin itong dala sa kaniya. "What do you mean?" "That's the people of Pulan do, Meteor. Pinipili nilang hindi makialam dahil alam nila ang pwedeng mangyari. I'm warning you, please live this issue alone. Huwag mo nang i-involve ang sarili mo rito." Tila ba may malalim itong alam dahil sa mga sinabi nito. Umiling siya. "No, hindi ako papayag, Luke. I can't stand do nothing. Hindi ito simpleng issue, malaking bagay ang ginagawa nila na pwedeng ikasira ng Pulan, ng kalikasan na matagal ng pinaglalaban ng Papa ko," galit na sambit niya na may diin. Bumuntong-hininga si Luke. "I want you leave Pulan, Meteor dahil hindi ka safe sa lugar na ito. Maraming nag-aabang sa pagbabalik mo para kunin ka."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD