CHAPTER 20- FIRST ATTEMPT

1523 Words
IT’S BEEN A WEEK na naging tahimik ang buhay namin ng mga bata, walang Dylan Mijares na nanggugulo. I totally disconnected my connection sa nangyayari sa syudad para magkaroon naman ako ng peace of mind, after all may tiwala naman ako kay Allaine pagdating sa business ko at same rin sa mga tauhan kong pinagbilinan ng naiwan kong responsibilidad, isa pa temporary lang naman ito. Pero, okay ka lang ba sa temporary lang Kaye? Napa-isip akong muli, lately I’d been thinking a lot, as in a lot. I am also considering na mangibang bansa kasama ang mga bata, marahil ay tatantanan na kami ni Dylan, besides hindi pa ako ready na malaman ni Jonas ang about sa kambal at wala rin akong balak na ipaalam sa kanya, para anu pa? Lumabas ako ng kwarto at bumaba at dumiretso sa labas, sa malapad na hardin ay nakita kong naglalaro ang kambal habang nakaupo naman sa bench sina Mamita at Papito na aliw na aliw sa mga bata. Lumapit ako sa kanila para sana magpaalam na may bibilhin sa bayan. “O’ apo nandiyan ka pa la, saan ang punta mo?” si Mamita ng mapansin niya ang akong palapit sa kanila. Nagbeso ako kay Mamita at nagmano sa kay Papito, “ Punta muna po ako sa bayan para bumili ng lulutin ko po mamaya na sinigang na hipon para sa dinner natin.” “Naku naman bakit ikaw pa ang aalis nandyan naman ang mga katulong para mautusan.” sabi ni Mamita sa akin, pero umiling lang ako ng ulo at ngumiti. “It’s okay Mamita ako na po, isa pa wala naman akong ginagawa rito, nakakahiya po,” pagpapaliwanag ko. “Ang batang talaga na ito, naku Papito ang apo mo pagsabihan mo nga iyan.” Di pagsang-ayon ni Mamita sa sinabi ko alam kong di naman ito naiinis pero syempre kahit na parang tunay na apo ang turing nila sa akin ay hindi ko kayang walang ginagawa para sa kanila, kahit sa ganitong bagay man lang. “Ikaw talaga Kaye, makinig ka diyan sa Mamita mo, baka magtampo iyan.” nakangising saad ni Papito sa’kin. Ngumiti rin ako at niyakap si Mamita mula sa likuran niya, I slightly bend and encircled my arms around her neck, nasa likod ako ng bench kung saan nakaupo si Mamita. “I love you Mamita! Payagan niyo na po ako please...” lambing kong turan kay Mamita. ****** IN THE END I won, pinayagan ako nina Mamita at Papito na pumunta ng bayan at nagpaalam rin ako sa kambal na saglit akong aalis at, kasama ko si Richard, siya ang nag drive sa akin. Habang nasa daan ay busy ako sa pag aliw ng aking sarili sa pamilyar na kapaligiran. Masarap talaga ang simoy ng hangin dito sa probinsya, fresh at nakakagaan ng feeling unlike sa syudad sobrang polluted na pati tao ganoon din. Lahat-lahat na lang ang toxic, at sumagi na naman sa isip ko ang Dylan na iyon. Naalala ko na naman ang panaginip ko kagabi. At dahil sa naiisip ko pakiramdam ko tuloy ay namula ang aking mga pisngi. Myghad Kaye! Tumigil ka nga sa mga pinapasok mo sa isipan mo! Lason ang lahat ng bagay na may kinalaman sa Dylan na iyon pati isip mo nadudumihan na! Naputol lang ang argumento ko sa aking isipan ng biglang nag preno si Richard. Muntikan pa akong masubsob mula sa kinauupuan ko buti na lang at naka seat belt ako at napatukod sa likod ng upuan ng passenger seat. “Richard ano ba iyon?”nagtataka at nag-aalala kong tanong, “ Okay ka lang ba?” “Yes Miss Kaye, pasensiya na rin po kayo, okay lang po kayo diyan?” sagot sa akin ni Richard na may bahid rin nang pag-aalala. “I’m alright at bakit bigla kang napahinto?” “May humarang po kasing sasakyan bigla sa harapan natin Miss Kaye.” Masyado akong naka focus sa kay Richard kaya hindi ko napansin ang itim na sasakyan na nakaharang sa harapan namin. Hindi ko maintindihan pero bakit kinakabahan ako. Mas gumapang pa ang kaba sa aking dibdib ng may bumababa na lalaking naka black suit. Naningkit ang aking mga mata ng makilala ko ito. “Miss Kaye, kalma lang po kayo at ako na po ang bababa, “ sabi ni Richard pero pinigilan ko siya at biglang inalis ang seatbelt sa aking katawan at dali-daling bumaba. "No Richard ako na, stay here and let me handle this!" Matatalim ang aking tingin sa kay Dylan habang naglalakad ito papalapit sa aming sasakyan. Hindi niya ba na received ang TRO at bakit hanggang dito ay ang lakas ng loob niyang sundan kami. Paano niya na naman nalaman? Hindi ba siya natatakot na makulong? Nang makababa ako sa sasakyan at sinarado ang pinto ay nanatili lang akong tumayo habang siya ay papalapit sa akin. Napaka seryoso ng mukha niya ang mga mata niya ay parang laser na tumatagos sa aking kaluluwa. May hawak siya na puting envelope,at doon ko rin napagtanto na baka iyan ang TRO at heto siya sinusugod ako dahil dito. “Did you ever think you can get away from me because of this TRO?” inis na bungad sa akin ni Dylan habang pinakita sa akin ang white envelope na may laman na nito. I smirked at tinignan siya ng matalim as I crossed my arms before him,” Ikaw ang nagtulak sa’kin na gawin iyan kaya huwag mo akong sisihin diyan!” I heard him upheave a heavy sigh, halatang nagtitimpi ito,“ Fine, marahil ay mali ang unang approach ko sa iyo, and I-I’m sorry.” Napataas ang kilay ko, seryoso ba ito? Si Dylan Mijares nag so-sorry? Oh well kong sa akala niya ay madadala ako sa simpleng sorry niya pwes nagkakamali siya. Sino ba niloloko niya? For sure ay nagdra-drama lang ito. “Tapos ka na? At kung oo ang sagot mo, umalis ka na pati iyang sasakyan na nakaharang sa daraanan namin.” mataray kong tugon at inabot ang pintuan ng sasakyan para buksan sana ito at makaalis na rin. I don't have the time para makipagbangayan sa lalaking ito. Pero bigla akong pingilan ni Dylan ng hinawakan niya ang kamay ko, “ Kaye please, for the sake of the kids let’s stop fighting with each other.” Napatingin ako saglit sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko, at heto na naman ang ang aking nararamdaman, pasimple akong napakagat ng aking labi kasi biglang nanindig ang aking balahibo at pinaalala na naman nito ang panaginip ko. Bwesit talaga! I am trying my best to stay focus at ng maramdaman kong kumakalma na aking sistema ay sinagot ko si Dylan. “I’m sure aware ka na pwede kang makulong sa ginagawa mo at pwede akong mag file ng complain ngayon mismo?” pagbabanta ko sa kanya sabay tingin ko sa kanya ng masama. Sa ganitong sitwasyon ang paglapit niya pa lang sa akin ay considered ng first offense. “Do I seem to care?” I can’t believe him kaya napapikit na lang ako ng mata at napahinga ng malalim, “ Get off your hand!” “Kaye, please let’s talk, nakikiusap ako for the sake of Nicolo and Nicolai.” pakiusap ni Dylan sa akin, kalmado lang ito kaya naninibago ako. “Mr. Dylan Mijares, narinig mo naman ang sinabi ko at hindi ko na uulitin iyon, “ tugon ko sa kanya at pwersahang inalis ang kamay niya na nakahawak sa akin. “Kaye—.” He pleaded again pero naputol ito ng magsalita si Richard, ni hindi namin namalayan na bumababa na rin pa la ito sa sasakyan para matingnan kung anu ang nangyayari. “Miss Kaye, need niyo ba ng tulong, tatawag na ba ako ng mga pulis?” sabi nito habang nakatingin sa direksyon namin ni Dylan. Nag-igting ang mga panga ni Dylan kasabay ng pagbitaw niya sa akin at napa hands up at napaatras ng kaunti. “It’s fine Richard, aalis na siya at sumakay ka na sa sasakyan aalis na rin tayo.” sagot ko kay Richard at napairap na lang ako sa kay Dylan. Pumasok si Richard sa loob ng sasakyan ulit at binuksan ko ang pintuan sa likod at bago ako tuluyang pumasok sa loob ay hinarap ko si Dylan for the last time. “I would love to appreciate your effort all this time Mr. Mijares but unfortunately you’re very too late, after all heto ang hiningi mo sa akin remember? " napangisi ako ng pagak at na pa paused sa pagsasalita, “ but it seems you forgotten about it, then let me remind you, what exactly you said.” “Kaye that was before and this time is different pakinggan mo naman ako–.” he interrupted me. Napailing na lang ako pero pinutol ko ang mga sasabihin niya pa,” Nope, you listen to me you said, ‘Just tell me how much do you want, to keep your mouth shut about what happened and forget everything!’ Diba yan ang sinabi mo sa akin? So please drop your act because that won’t convinced me!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD