CHAPTER 22 “TORPE AT MANHID”

1762 Words

KINABUKASAN ng araw ng linggo ang ayon kay Daniel ay schedule ng balik ng kapatid nitong si Danica galing ng Cebu. Kaya naman ipinagpaalam na siya agad ng binata sa mga magulang niya sa bahay ng mga ito siya kakain ng hapunan. Pumayag naman ang nanay at tatay niya na lihim na ipinagpasalamat ni Ara. “Nanliligaw ba si Daniel sa’yo, Ara?” tanong sa kaniya ng nanay niya kinabukasan habang busy siya sa pagtulong rito para sa ihahanda nilang pananghalian. Agad na sumikdo ang kaba sa dibdib ni Ara dahil sa tanong na iyon mula sa kaniyang ina. Kasabay iyon ng ilang sandaling pagkakatulala niya sa maganda nitong mukha. “Ara, tinatanong kita anak, nanliligaw ba sa’yo si Daniel?” ang ulit na tanong sa kaniya ni Susan na pumutol naman sa malalim niyang pag-iisip. “Nay?” ang tanging naisatinig

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD