CHAPTER 24 "FAREWELL DINNER"

1181 Words

KATULAD nang napagkasunduan nila ay sa bahay nina Daniel siya kumain ng hapunan nang huling gabi bago ang pag-alis ni Danica patungo ng America. At katulad rin noon una ay naging masaya iyon. Isang bagay lang naman ang napansin niya, obvious sa mga mata ni Daniel ang lungkot dahil sa pag-alis na nga ng kapatid nito. "Sana katulad ng ipinangako mo noon sa akin, palagi mong samahan si Daniel," si Danica iyon nang magkasama na sila sa entertainment room ng malaking bahay na iyon at nanonood ng TV. Maganda ang ngiting pumunit sa mga labi ni Ara. "Oo naman, pangako hindi ko siya iiwan kahit na anong mangyari," totoo iyon sa loob niya. Wala naman talaga siyang planong iwanan si Daniel. At kahit pa siguro dumating ang time na ipagtabuyan siya palayo ng binata ay patuloy parin niya itong susund

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD