NASA veranda nang mga oras na iyon si Daniel at inaabala ang sarili sa pagtugtog ng gitara nang maramdaman niya ang presensya ng kung sino na nakatayo sa kaniyang likuran. “May kailangan ka Ate?” tanong niya kay Danica nang maupo ito sa bakanteng silya na katapat ng okupado niya. Nagkibit lang ito ng balikat. “Mukhang ikaw ang may kailangan, ano itong narinig ko galing kay Aling Salyn na may kasabay ka raw na babae sa kotse mo kapag umuuwi ka?” nasa tono ni Danica ang pinaghalong excitement at curiosity. “Ano?” Narinig niyang nangalatak ang kapatid niya. “Ano ka ba Daniel, umamin ka na, sino iyon at mukhang may lovelife ka na agad kasisimula pa lang ng semestre?” ang patuloy na pagtatanong sa kaniya ng kapatid niya. Noon natatawang ipinatong ni Daniel ang hawak niyang gitara sa

