Chapter 6

1450 Words
  “Axe, ang pangit ng ugali mo!” rant ko sa kanya kasi nagkita kami ngayon sa hallway. “Tanga di ka namamansin eh kaya di na muna ako nakisabay sayo para ipalipas ang sama ng loob mo.” sagot naman niya. “Dapat kasi pansinin mo ako, pag hindi ako namamansin at hindi ka din namamansin, sinong magpapapansin?HAHAHA” joke ko sa kanya. “Hay nako okay na yon tsaka pasalamat ka sa akin dahil nagka moment kayo ng crush mo.” sabi niya. “Hoy tumahimik ka baka kasi may makarinig tapos malalaman ni Ed.” sagot ko habang mabilis na tinatakpan ang bunganga niya.   Mga isang linggo kaming hindi nagpapansinan ni Axe dahil nga doon sa sagutan namin kasi alam naman niyang mali yong ginawa niya tas may mali din ako. We both know kung kailan namin icoconfront ang isa’t isa dahil sa tagal na naming magkakilala. Palagi kasi kaming ganito kaya minsan naguguluhan ang mga tao sa amin.   Alam ni Axe na madali akong magsawa kaya if may kaibigan ako na palaging dikit dikit o palaging nakikipag-usap sa akin alam niya na dadating ang panahon na magsasawa ako,hindi ko na masyadong kinakausap at naiiritahan na ako pero minsan nag-aadjust ako pero naisip ko din na hindi ko na kailangan mag bago para magustohan ako ng tao. Sila na ang bahala kung gusto nila ako basta alam ko na wala naman akong ginawa na masama. Ugali ko to kaya intindihin mo, pero kung ayaw mo edi lumayas ka sa paningin ko. Pasalamat ako kay Axe kasi siya lang kaya mag handle sa ugali ko kasi sa lahat ng kaibigan ko, walang kayang mag handle sa ugali ko.   “Zia, ano gusto mo? Libre kita.” sabi ni Axe. “Gusto ko jolibee Axell hihi!” asar ko sa kanya with matching beautiful eyes pa kumbaga. “Nagpapababy pa ang hindi baby.”sagot niya habang nakasimangot. “Sige na kahit kailan ah hindi ka naman tumatanggi pag sinabi kong jolibee gusto ko tapos ngayon hindi ka na nanlilibre.” I pouted. “Oo mamaya pag uwi natin malapit lang naman jolibee.” Naawa niyang sagot.   At ano pa ba ineexpect ko? Axe is a man of his words dahil walang pangako ang hindi niya kayang tuparin. Minsan lang manlibre si Axe kasi busy kasi to dahil varsity na kaya hindi na kami masyadong nagsasama at advantage naman yon para hindi talaga ako magsawa. Nandito na kami sa Jolibee at sabi ni Axe na pumili lang daw ako kahit marami para daw mabusog ako.   “Axe magiging baboy ako sa lagay nato huhu” reklamo ko kasi napakarami pa talaga niyang inorder tapos kami lang dalawa kakain. “Sige na ubusin mo nayan baby ko dahil hindi kapa talaga nakakain ng Jolibee! Gusto mo subuan ka ni Daddy?” Nang-asar pa talaga ang bakla tapos nilapit pa ang kutsara sa baba ko kaya tuloy pinagtitingin kami ng tao kasi akala nila mag jowa daw kami. “Ang bata bata pa tapos ang landi landi na.” rinig namin. “Sure ako na hindi makakapagtapos ang batang ito maagang mabuntis iyan.” rinig naman namin. “Halika na Zia, ipapabalot nalang natin ito!”nagagalit na sabi ni Axe.   Ang kinakatakotan ko lang talaga sa buhay ay makipag eye contact sa tao. Bihira lang ako tumitig sa mata dahil naiimagine ko na sobrang judgemental ng mata na yan kaya minsan ayaw ko tumitig dahil baka maiyak lang ako pag tumitig ako sa mata nila.   Nasayang yung friend date namin ni Axe dahil sa mga tao na napakachismosa. I wish here in the Philippines we have a freedom where no one could decide and judge on our behavior. I wish someday that we will have the right to speak what we wanted to speak and a right to act what we wanted to act. People just wanted to have that freedom kasi some people are so judgemental kahit sa titig lang nila grabe ang impact sa buhay at sa feelings mo.   People know how to act formally and people have the right if they want to be happy, pero some people mistreat that actions kaya people should their limit their actions nalang when they supposedly enjoy their life pero wala eh one mistake, everyone could judge us. Some people are just good at judging but they didn’t even know na ginagawa din pala. Bakit hindi nalang sila magcare sa buhay nila that’s why I don’t want to hate this life kasi wala naman akong magagawa kasi di ko mababago ang tao kaya kailangan ko nalang sabayan ang agos ng buhay.   “Axe thank you doon ah.” I said. “Ano ka ba, wag mong pansinin yong mga sinabi nila.” sabi niya habang hinaplos niya ang buhok ko.   Sa lahat ng tao sa mundo thankful ako na si Axe yung binigay sa akin ni God dahil mapapakita ko talaga ang totoong ako kasi alam ko naman na mahina pala ako pero nagiging palaban ako para din sa sarili ko. Siya lang kasi yung taong komportable ako tapos siya yung nakakilala sa akin ng totoo.   Binigay namin ang mga nabili namin kanina sa mga batang nasa lansangan dahil alam namin na kailangan nila. Balang araw talaga sana ang prinayoridad nila mama ay ang mga batang walang tirahan at magulang dahil nakakakonsensya tumingin sa kanila dahil mapapaisip ka nalang na ang swerte mo pa talaga. Nakakagalit din kasi bakit pa sila pinabuhay sa mundong ito kung ganiyan pala ang magiging kahantungan nila kasi dapat kung ginusto ng magulang na mabuhay sila sa mundong kinagagalawan natin sana nakatulog man lang sila ng maayos, nakakain sila ng masarap at namuhay sila sa gusto nila kaya nakakapanghinayang dahil minsan mablame din natin sa mga magulang nila.   “Bebe, ano gusto mo paglaki?” tanong ko sa babaeng bata na nasa 10 gulang na ata. “Gusto ko po magkaroon ng kompanya na matutulungan ko din yung tao na katulad namin.”sagot niya na nakangiti. “Ako din po gusto din gumawa ng bahay para may matutulugan na kami.” sabi naman nong isang bata. “Wag kayong mag-alala dahil pag makatapos ako kayo ang unang tao ang pagsisilbihan ko.” sabi ko para naman maganahan sila. “Sige po kasi andaming taong inaabuso ang kapatid ko dahil madumi daw kami at masasama kahit wala naman kaming masamang ginawa.” malungkot na sabi niya.   Gusto ko din na magtapos ako dahil isa ito sa mga gusto ko kasi namumuhay tayo sa mundo na kung sino pa yong mga mayayaman ay sila pa ang hindi marunong tumulong sa kapwa. Si Mommy at Daddy ay tumutulong sila especially doon sa mga nabiktima ng mga kalamidad dahil hindi naman kami sobrang mayaman.   Gusto sana nila na tumulong sa mga walang bahay pero wala din silang sapat na pera kasi noong last time ay may nagbigay ng bahay, tapos ang iba sa pinagbigyan ay binenta lang, ginawang negosyo at hindi marunong makontento ang iba kaya minsan nakakawalang gana tumulong pero alam naman nila na may mga tao talagang kailangan tulongan kaya pinag iiponan pa nila Mom yon dahil alam nila na mahirap mamuhay.   “Zia kaya ayaw mo bang magalit sa mundo kasi alam mo na walang matutulong yang galit mo? Zia hindi mo naman kasalanan na naghirap ang iba. Alam mo kung sinong may kasalanan? Ang mga tao Zia, pero ikaw hindi ka nagkulang kasi hindi mo tinalikuran ang mundo kahit alam kong kailangan kading buoin, na ikaw pala itong pira piraso. Sana balang araw maglaan ka nang oras sa sarili mo at diba gusto mong hanapin ang totoong depinisyon ng buhay? Tandaan mo na nandito ako palagi at sasamahan kitang I adventure ang mundong ito. Dapat isama mo talaga ako kung hahanapin mo na! Alam ko na balang araw mahahanap mo din tapos pag nahanap mona, sana maging totoo kana sa sarili mo at pwede munang talikuran ang mundo.” sabi ni Axe tapos niyakap ako.   “Hmmm alam mo Axe bakit parang tumatagos lahat ng salita mo sa puso ko?” tanong ko. “Zia kung gusto mo mang magdrama nandito lang si Leehan Axell sa puso mo. Always remember that Leehan Axell C. Galsedo is always at your service!”dagdag niya.   Andaming nangayari sa araw nato pero ang pinakakasalamatan ko palagi ay si Axe. Pano pag wala si Axe sino kayang mag eexplain sa akin na kailangan ko din ng kalayaan balang araw?. Sa tingin ko hindi ko kayang mawala si Axe dahil parang diyan ko na kayang magalit sa mundo. Axe sana hindi ka mawawala sa buhay ko dahil kailangan na kailangan kita sobra.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD