Tuwing Biyernes

2194 Words
Walang espesyal sa akin. Hindi ako maganda. Hindi ako sexy. Hindi matalino. Hindi anghel. Siguro nasa pagitan. Ako 'yong tipo ng babae na hindi agad mapapansin kung hindi magpapapansin. Hindi rin ako naniniwalang may habambuhay; na sa mundong ito, may lalaking darating para ibigay sa akin ang mala-fairytale na love story na pangarap ko bata pa lang ako. Paborito kong araw ang Biyernes. Bakit? Kasi nagpapakita siya. Siya na nakasuot ng pulang sumbrero at itim na plain v-neck shirt. Siya na may maamong mukha at makapal na pilikmata. Siya na habang mas tinititigan mo, lalong gumagwapo. Siya na unang nakapagpabilis ng pintig ng puso ko. Unang tumibok ang puso ko dahil sa kaba at takot. Sino siya? Ito ang unang tanong na sumagi sa isip ko noong unang beses ko siyang nakita. Blanko ang pagkakatitig niya sa akin mula sa bleachers habang naglalakad ako sa court papuntang canteen. Biyernes noon. Hindi ko alam kung bakit siya nakatitig sa akin. Mukhang hindi siya nag-aaral sa eskwelahan namin dahil sa hindi naman siya nakauniporme. Nakabili na ako sa canteen at naglalakad ulit sa court nang makita ko siya ng mas malapitan dahil bumaba siya ng bleachers at sumandal sa poste. Nagtagpong muli ang mga mata namin at mas lumalim ang tingin niya sa akin. 'Yong para bang binabasa niyang pilit ang pagkatao ko. Pakiramdam ko nga hinuhubaran nya ako sa tingin niya kaya kinilabutan ako. First impression ko tuloy sa kanya ay bastos. Dahil dito hindi ko kinayang magtagal at napatakbo na ako pabalik sa classroom. Naulit ito nang naulit sa loob ng isang buwan - tuwing Biyernes. Nalaman ko na lang sa sarili ko na ang dating kaba at takot ay unti-unting naglaho. Nakasanayan ko nang makita siya. Nahulog ang loob ko sa isang misteryosong lalaki. Alam ko lang ang itsura niya pero hindi ang kanyang pangalan dahil sa tuwing lalapitan ko naman siya ay agad siyang lumalayo. Isa talaga siyang malaking misteryo sa akin. At mas malaking palaisipan din ang pagkahulog ng loob ko sa kanya. Kasi sa bawat titig niya... bawat pagsunod ng mga mata sa akin, naiparamdam niya na espesyal ako. I exist and I could be seen. Kahit walang salita na manggaling mula sa kanya ay naramdaman ko 'yon. Mukhang ‘di naman siya masamang tao. Dahil kung oo’y matagal na niya ‘kong nasaktan lalo na’t gabi ako umuuwi. That’s why I felt flattered. Walang lalaki ang nagaksaya ng panahon para gawin sa akin 'yong pagtingin-tingin na ginagaw niya. Pakiramdam ko ang swerte ko dahil nakuha ko ang atensyon niya. Malamang para sa iba ay nahihibang na ako pero maysari-sarili naman tayong depinisyon ng pag-ibig. Ngayon ay Biyernes na naman. Nag-ayos ako para sa kanya. Nagpaganda kung may igaganda. Balak kong kausapin na siya. Maglalakas loob ako para mas magkakilala kami. Sa pagpasok ko sa paaralan ay panay na ang tingin ko sa paligid. Hindi lang naman kasi sa bleachers ang naging pagkikita namin. Minsan sa may gate, minsan sa may hallway, at nangyayari ito sa marami pang hindi inaasahang pagkakataon. Tinanong ko nga ang mga kaibigan ko kung kilala nila ito. Napansin din kasi nila ito dahil hindi maitatanggi na agaw pansin ang itsura nito. Parang basketball player dahil sa tangkad. Mukhang may lahi pa dahil may pagkasingkit. Anila ay tuwing Biyernes lang nila nakikita 'to. Mukhang pamilyar. Naging mabilis ang paglipas ng oras ngayong araw para sa akin. Hindi siya nagpakita. Bagsak-balikat akong lumabas ng eskwelahan. Ni hindi ko alam ang pangalan nito kaya imposibleng mahanap ko siya kahit sa online. Hindi rin ako sigurado kung dito ba siya pumapasok dahil wala naman siya araw-araw. Para tuloy siyang multo na bigla na lang naglaho. Last semester ko na sa ika-apat na taon ko sa kursong Mass Communication. Naging abala ako sa thesis at iba pang school works. Nawala na sa isip ko ang pagaabang sa lalaking 'yon tuwing Biyernes dahil hindi na rin naman siya nagpapakita. Ipinangako ko sa sarili kong iisipin ko na lang na isang kakaibang panaginip ang nangyari noon at walang espesyal tuwing Biyernes. Naging mahirap ito sa akin dahil para akong baliw na hinahanap-hanap pa rin siya kapag lumalabas ako ng classroom. Hindi naman kami nagkaroon ng relasyon kaya hindi ko alam kung bakit parang nagmu-move on ako ngayon. Gusto ko siyang bumalik ulit pero hindi ko alam kung paano. Hindi ko alam kung paano ako magsisimulang hanapin ang isang taong hindi ko naman nakilala. Madali sana kung may alam ako tungkol sa kanya kahit isa pero wala. ‘Di nagtagal, kahit itsura niya ay unti-unti nang nabubura sa isip ko. Natatandaan ko na lang ang mga nangyari noon pero hindi na ang mga detalye. *** Nang maka-graduate ako ay hinayaan ko ang sarili kong magpahinga muna bago magsimulang humanap ng trabaho. Ginugol ko ang oras ko sa panunuod ng TV, paggamit ng internet, pagbabasa ng mga libro at kung anu-ano pa. Dahil sa pagtutok ko sa mga palabas tuwing gabi ay naging fan ako ni Paul Renz Choi. Baguhang artista siya pero magaling talagang umarte. Ngayon lang siya nagkaroon ng spotlight dahil sa palabas niya na talagang tinangkilik ng lahat. "Oh my gosh!” Nagpunta kaming magkakaibigan sa isang TV show na guest si Paul halos maputol na ang mga litid namin kakatili. "Let's welcome Paul Renz Choi!" At nang makita ko siya ng personal, natahimik ako habang niyuyugyog pa rin ng mga kaibigan ko. Tuwing Biyernes... Mula nang mawala siya ay nag-antay ako sa mga lugar kung saan siya nagpapakita, umaasa na baka makita ko siyang muli. Pero bakit hindi ko agad napansin kung sino si Paul Renz Choi? Nakasuot siya ngayon ng itim na plain v-neck shirt. May suot din siyang pulang sumbrero. Paanong ngayon ko lang napansin na iisa sila? Ang misteryosong lalaki sa school sa huling semester ko nung college ay walang iba kung hindi ang baguhang artista na si Paul Renz Choi! Nagpalakpakan at humihiyaw ang lahat. Sinuyod ng mga mata niya ang audience at nagtama ang paningin namin. Sa unang pagkakataon ay nakita ko ang pagngiti niya. Ang akala kong tumigil na ay buhay na buhay pa pala sa loob ko. Gustong tumakas ng puso ko sa sobrang bilis ng t***k nito. Tila ba una itong nakaalala bago ang isip ko. Ang una kong pag-ibig. "So, nag-aaral ka pa ba? O puro pagaartista na lang?" tanong ng host kay Paul. Tahimik lang ako habang nanunuod. Nagpipigil ako na sugurin siya at yakapin. Alam kong posibleng hindi na niya ako natatandaan pero ayokong palagpasin ang pagkakataong ‘to. "Yes. Kaso every Friday lang ang pasok ko sa university. I'm trying my best to finish my course kahit medyo mahirap dahil sa schedule. Natigil nga ako bigla dahil sa kinailangan kong magpuntang abroad for my first ever TV series," Tumingin siya bigla sa direksyon ko at kumindat. Naghiyawan ang lahat ng mga babae sa paligid ko. Guni-guni ko lang ba na ako ang tiningnan niya? "Wow! Kumusta naman kayo ng ka-love team mo? May real feelings na ba?" "Sa ngayon, focus lang muna talaga kami sa career namin lalo na bago pa lang ako sa showbiz. Pero hindi naman ako nagsasara ng pinto," Nakaramdam ako ng kirot sa loob ko. Parang bigla akong natauhan na magkaiba ang mundo namin. Sino ba naman kasi ako para magustuhan niya, hindi ba? Baka naging pampalipas oras lang niya ako noon. "Excuse me, CR lang ako," sabi ko sa mga kaibigan ko at payukong umalis mula sa pwesto ko. "’Di ba nagaaral ka sa university, wala ka bang nagustuhan doon?" Nahinto ako sa narinig ko. Papalabas pa lang sana ako ng studio pero gusto kong malaman ang sagot niya. "Of course, there are many beautiful girls in the university. Pero may isang babae talagang umagaw ng atensyon ko. Sinusundan ko siya ng tingin kahit saan siya magpunta because she’s really interesting.” “Interesting?” Natawa sila pareho. “Yes! Tanda ko pa noong unang beses ko siyang nakita. I was really having a bad day, but I forgot about everything when I saw her eating at the canteen. Sobrang takaw niya!” Tumawa ang lahat at naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. “Totoo! Natawa ako kasi ang cute niyang kumain. Sunud-sunod talaga. Madalas din siyang tumawa kasama ang mga kaibigan niya na sobrang sarap talagang panuorin. Siguro nga hindi niya alam kung gaano siya kaganda." Nagtilian ang lahat sa sinabi niya. "Wow! She seems very special to you. So, did you talk to her? I mean sinabi mo ba 'yan sa kanya? Kayo na ba?" sunod-sunod na tanong ng host kaya narinig ko ang paghalakhak nito. "Nope. Back then I was so shy. Hindi pa nga ako sikat na artista e. I never thought I would be. I hate to admit this, pero tuwing Friday ay nagmimistula akong stalker niya. Pag lalapitan na niya ako, lumalayo ako kasi nahihiya ako." "Ang isang Paul Renz Choi ay naging stalker?! Grabeng revelation naman ‘yan! E ano nang nangyari sa inyo ngayon?” "I became so busy with work that I had to study online instead. Kaya hindi ko na siya nakausap pa.” Bakas sa mukha niya ang pagkadismaya nang tingnan ko. Hindi ko tuloy alam kung ano ang dapat isipin o gawin ngayon dahil sa mga sinabi ni Paul. Pero masaya akong makita siyang muli. Totoo pala siya at hindi lang kathang isip. Natapos ang show na walang alam ang mga kaibigan ko sa nangyari noon. Siguro hindi na rin nila naalala si Paul na laging nagpapakita sa amin tuwing Biyernes. Mas nakilala nila ito bilang artista kagaya ng pagkakakilala ko rin sa kanya. Lalapitan ko sana si Paul pagkatapos ng show kaya lang dumiretso na siya sa backstage at hinarang na ako ng mga staff. Mukhang hanggang tingin na lang talaga kami sa isa’t isa. Lalo na ngayong sikat na siya. Kung paano kami nagsimula, mukhang ganuon din kami magtatapos. Hanggang tingin. Dahil sa magkakaiba kami ng dadaanan pauwi ay nagpaalam na kami sa isa't isa ng mga kaibigan ko. Medyo malungkot ako ngayon habang nagaabang ng bus. Kasi naman hindi ko nagawang lapitan si Paul. Habang nagiintay, bumalik sa akin 'yong mga sinabi niya kanina. Paul Renz Choi, iyon pala ang pangalan niya. Nakarinig ako ng pagsutsot kaya nilingon ko agad kung saan ito nanggaling. Kaya lang hindi ko makita. May sumutsot ulit. Tumingin ako sa paligid at nagulat nang makita ko ang isang lalaki 'di kalayuan. Nakasuot siya ngayon ng hoody at seryosong nakatingin sa akin. Mabilis ko siyang nakilala. Si Paul. Bumilis ang t***k ng puso ko. Nag-init ang buong mukha ko. Lalapitan ko na sana siya nang mauna niyang gawin ito. Pinasakay niya ako sa isang kotse na tingin ko ay kanya at nagmenho siya ng tahimik. Nakatingin lang ako sa kanya ngayon. Saan kaya niya ako balak dalhin? Nasagot ang tanong ko nang huminto kami sa tapat ng bahay ko. Alam niya kung saan ako nakatira? Tila ba nabasa niya ang tanong sa isip ko. "I’m sorry I followed you once before," Tumitig siya sa akin hanggang ako na mismo ang umiwas ng tingin. "Bakit?" "I'm crazy about you Melissa Anne Hernandez," Pati buong pangalan ko alam niya? At sinabi ba niyang nababaliw siya sa akin? "I thought this was just infatuation at first, pero parang mas lumalim ang nararamdaman ko... kasi hindi kita maalis sa isip ko. The moment I saw you at school, I knew then that you'll become very special to me. Hinayaan ko ang tadhana ang masunod. Humingi ako ng sign na kapag dinala ka nito ulit sa 'kin, 'di ko hahayaang mawala ka pa.” Eto na naman ang puso kong bigay na bigay sa pagtibok. Ang init naman yata rito sa kotse niya! "Hey... I'm sorry kung nabigla kita. I don’t want to sound creepy but I want to have the courage to tell you what I feel. I want you to know that I'm sincere about my feelings." Napalunok ako nang maramdaman ko ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko. Kinuha niya ito at inilapit sa kanya. Naramdaman ko ang init ng labi niya nang halikan niya ang likod ng palad ko. "I'm willing to wait until you're ready... I want to court you properly.” Nanginig ang buong sistema ko sa makahulugang tingin niya. It's like he can see through me. “Alam kong posibleng maging kumplikado ang lahat dahil sa trabaho ko. But I want us to try. I want us to work out. Kasi alam kong pagsisisihan ko talaga ito habambuhay kapag pinalampas ko ang pagkakataon.” "Paul... matagal na akong in love sa 'yo e," O.M.G. Did I manage to confess?! "Ay! Nasabi ko agad!" Napatakip ako ng bibig at tumingin na lang sa harapan. Hindi pa nga niyang sinasabing in love siya sa akin e. Sino sa amin ang mas baliw ngayon? “And I fell in love at first sight with you,” sabi niya bago ako niyakap. Pakiramdam ko tumigil ang oras. Kung pwede nga lang sana ay gusto kong ganito na lang kami. Pinagdikit niya ang mga noo namin pagkatapos at bumulong siya sa ibabaw ng labi ko. "Mukhang 'di na natin kailangan maghintay tuwing Biyernes simula ngayon..."

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD