CHAPTER 21 Naging mabilis ang aking paghinga. His hand is just resting on my thigh. Sinubukan ko iyong tanggalin pero binalik niya lang ang kamay niya sa aking hita. “Thank you, Tito Isidro,” sabi niya nang ilapag niya sa akin ang pagkain na sa tingin ko ay dalawang tao na ang pwedeng kumain dahil sa dami nun. Mauubos ko ba 'to? “You are welcome, Amihan. By the way, you look stunning tonight,” Namula ang aking mukha sa sinabi niya. Bago pa ako makapagsalita ay naunahan na ako ni Ninong. “Shut up, Isidro,” Natawa ang dalawang kapatid niya sa kanyang sinabi. Pinipilit ng panganay nila na pigilan ang mga ngiti niya pero ang ending ay napayuko na lang ito at tinatakpan ang labi. Si Tito Isidro naman ay nakatingin sa stage pero malapad ang ngiti niya. Makulit din pala ang pangana

