CHAPTER 1

1645 Words
CHAPTER 1 “Ang malas naman ng araw na ‘to!” malakas na sigaw ko dahil nadumihan ang aking suot na uniform. Nabalot iyon ng putik. Magsisimula pa lang ang araw ko pero sirang-sira na agad dahil sa sasakyang ‘yon. Ni hindi man lang nagdahan-dahan kitang maputik ang daan dahil malakas ang ulan kagabi. Ano pa nga bang magagawa ko? Papasok pa ba ako sa school na ganito ang itsura ko? Nakabusangot ang aking mukha nang umuwi ako ng bahay namin. “Amihan, ano’ng nangyari d’yan sa damit mo?” nagtatakang tanong ni Mama. Nilapitan niya ako at tinigil niya muna ang pagsasampay sa mga damit. “May dumaang sasakyan at mabilis ang pagmamaneho niya. Tumalsik tuloy ang putik sa akin,” iritadong sagot ko. “Ilabas mo agad ‘yang uniform mo kapag nahubad mo na at lalabhan ko agad. Hindi pwedeng matuyo ang putik dahil mahihirapan na akong tanggalin ‘yan,” Pagod akong tumango kay Mama. Dating barangay kagawad ang Mama ko pero nang matapos ang termino niya ay si Papa naman ang pumalit sa kanya. Bukod doon ay wala ng ibang trabaho ang mga magulang ko. Mayroon akong isang kapatid na siyang bumubuhay sa amin. Isa siyang nurse at sa susunod na buwan ay aalis na ito para magtrabaho sa ibang bansa. Pumasok na ako sa aming bahay at naabutan ko si Papa na may kausap. Fvck! Its Ninong Alejandro! At ganito pa ang mukha ko ngayong nandito ang crush ko? What a bad timing! Akmang babalik ako sa upang sa likod na dumaan para hindi nila makita pero napansin na ako ni Papa. “Amihan, wala ka bang pasok? Nandito ang Ninong Alejandro mo,” Napilitan akong maglakad papunta sa kanila. Nanginginig ang aking mga tuhod sa bawat hakbang ko. “Magandang umaga po, Ninong!” Nagmano ako sa kanya. Pasulpot-sulpot lang siya sa bahay namin. Kung kailan niya trip doon lang siya pupunta. Kailan ko ba siya huling nakita? Last two months ba? O tatlong buwan na? “Good morning, Amihan.” He’s always been cold. Seryoso ito palagi at bilang lang sa aking mga daliri ang makita ang mga ngiti niya. Minsan hindi ko na nga matandaan kung ano ang mukha niya kapag nakangiti siya dahil hindi ko nga ‘yon madalas na makita. “Ano’ng nangyari d’yan sa uniform mo? Bakit ang dumi-dumi niyan?” Minsan ko na nga lang makita si Ninong tapos ganito pa ang itsura ko! “Nadumihan lang nung dumaang sasakyan, Pa. Hindi na nga ako pumasok dahil ang pangit namang tingnan kung papasok pa ako na ganito kadumi ang aking damit,” paliwanag ko sa kanya. “Maligo at magbihis kana dun,” Nagpaalam na ako sa kanilang dalawa upang umalis. Nasa gitna na ako ng hagdan nang tawagin ulit ako ni Papa. “Amihan, pagkatapos mong maligo linisan mo na rin ang isang guest room natin at d’yan matutulog ang Ninong mo mamaya,” Muntik na ako makasigaw nang sabihin iyon ni Papa. Dito siya matutulog! It means matagal ko pa siyang makakasama! Punyemas. Kaso may gig ako mamayang gabi at hindi pwedeng hindi ako sumipot doon. Kumakanta ako sa isang bar para na rin ng sa ganoon ay hindi na alalahanin ng Ate ko ang aking pangbaon sa school. Siya kasi lahat ang gumagastos dito sa bahay. Kahit doon man lang ay mabawasan ang bigat na dala niya. Mabilis akong naligo at nagbihis. Maayos na damit ang aking sinuot dahil na rin gusto kong maging presentable man lang sa paningin ni Ninong Alejandro. Halos lahat ng damit ko ay kulay itim. Pumili lang ako ng simpleng croptop na sleeveless at isag itim na jogging pants. Naglagay din ako ng pabango kahit nasa bahay lang ako. Bumaba na muna ako para pumunta ng kusina at uminom ng tubig. Wala na sina Papa at Ninong sa living room namin nang bumalik ako. Baka nasa labas na ang dalawa. Ang init kasi rito sa loob ng bahay namin. Ang kwarto lang ang mayroong aircon. Pumasok ako sa kusina at naabutan kong nandoon si Ninong Alejandro at umiinom din ng tubig. Mag-isa lang ito. Hinila ko pababa ang aking damit ng sa ganoon ay medyo lumabas naman ang tinatago kong bundok. “Nandito ka pala, Ninong. Nasaan si Papa?” tanong ko sa kanya at kumuha na rin ng baso. Kailangan kong lumapit sa kanya dahil nakatayo siya sa gilid ng lalagyan ng baso. Nang pumasok sa ilong ko ang amoy niya ay parang gusto ko siyang sunggaban ng yakap. “Pumunta sa barangay hall n’yo,” Nakakapangilabot ang boses nito. Naglagay na ako ng tubig sa aking baso at hindi pa rin umalis sa aking pwesto. Doon pa rin ako uminom ng tubig sa harapan niya. “Ang tagal mong hindi nakadalaw dito, Ninong,” sabi ko pagkatapos uminom ng tubig. “Naging busy lang ako. Umuwi ang kapatid ko galing sa ibang bansa,” Oo nga pala, nabalitaan ko ang pagkamatay ng Mommy niya. “Condolence nga po pala sa Mommy n’yo, Ninong. Si Papa lang ang nakapunta nung libing niya dahil may pasok din ako nun,” Tipid itong tumango sa akin. Sanay na ako na kapag kinakausap ko siya ay tango lang minsan ang sinasagot niya. Inayos ko na rin ang kwarto ni Ninong para makapagpahinga na ito at ng mailagay na niya ang mga gamit niya sa loob. Sumapit ang hapon at hindi ko na siya nakitang lumabas sa kwarto niya. “Ihatid mo ‘to sa Ninong mo, Amihan,” utos sa akin ni Mama. Orange juice at sandwich iyon. Wala na akong sinayang na sandali at sinunod ko na ang utos ni Mama sa akin. Gusto ko rin naman ‘to kaya bakit magrereklamo ang babae? Excited akong nagtungo sa kwarto ni Ninong Alejandro. Kumatok ako ng isang beses at walang sumagot sa akin. “Ninong? Dala ko po ang meryenda n’yo pakibukas po ng pinto!” Nang wala akong makuhang sagot mula sa kanya ay pinihit ko na lang ang doorknob. Nilibot ko ang aking paningin sa loob ng kwarto pero wala akong nakita kahit anino ni Ninong. Ang nakita ko lang ay ang mga gamit niya na nakapatong sa ibabaw ng kama nito. Napatingin ako sa pintuan ng banyo nang may narinig akong tubig na umaagos. Gusto kong makita ang mukha niya na bagong ligo kaya nagpasya akong umupo na muna sa kama. Nilapag ko sa bedside table ang aking dalang meryenda niya. Napunta ang aking tingin sa mga damit niyang maayos na nakapatong sa ibabaw ng kama. Nasaan kaya ang brief niya? O kaya ang boxer? Tumingin ako sa pintuan ng banyo. Mukhang hindi pa naman siya lalabas. Titingnan ko lang kung ano ang itsura ng brief o boxers niya! Curious lang ako! Titingnan ko lang talaga! Hinanap ko sa mga gamit niyang nakalatag sa ibabaw ng kama kung nasaan ang gusto kong makita. I almost screamed when I saw it! Kulay itim na boxers iyon. Marami iyon pero isa lang ang dinampot ko. “Wow,” namamangha kong bulong at tinaas iyon upang matingnan ng mabuti. Hindi ako nagdalawang-isip na itapat iyon sa aking ilong. “Ang bango!” bulong ko. Baliw na ba ako kung pumasok sa isip ko kung ano ang amoy nun kapag nasuot ng boxers ang inamoy ko? Nanlamig ang aking buong katawan nang may narinig akong magsalita. “What are you doing?” “Ninong!” Tumayo ako at binalik ang kinuha kong boxers niya. Ang tanging suot niya lang ay tuwalya na nakapulupot sa kanyang bewang. “What are you doing with my boxers?” “Ahh…” Naglakad siya papunta sa kama at kinuha ang kanyang boxers at mabilis iyong nilagay sa loob ng bag niya na nasa gilid lang din. I can’t help myself but to stare at his body. Dumadaloy pa ang tubig mula sa kanyang buhok pababa sa mukha, pababa sa leeg, at sa six packs abs nito. s**t! Ang hot niya talaga! “Inaamoy mo ang boxers ko?” tanong nito sa akin gamit na naman ang malamig niyang boses. Wala akong maisagot sa kanya! Nahuli niya ako sa aktong inaamoy ang boxers niya! Ano kayang pwedeng idahilan? Hindi ako makakalusot nito! I avoided his cold stare. There’s no point on denying it. I must admit it to him. Nakita na niya ako. “Sorry, Ninong. I was just curious. Please, sana ‘wag itong makarating kay Mama at Papa,” “Why are you curious?” tanong niya ulit. Nakatingin lang ako sa sahig. “Ano… nakita ko kasi at gusto ko lang malaman kung ano ang amoy, Ninong,” “Paano kapag sinabi ko ‘to sa Mama at Papa mo?” Napaangat ako ng tingin sa kanya. “Ninong… ‘wag n’yo pong sabihin sa kanila. Hindi ko na po uulitin, pasensya na po talaga, Ninong,” Pigil na pigil ko ang aking sarili na ‘wag bumaba ang tingin sa nakabalandra nitong katawan. Focus sa taas, Amihan! ‘Wag mo ng ibaba ang tingin mo at magkakasala ka pa! Wait, is he wearing something inside the towel? Nandito ang boxers niya! Does it mean… wala siyang suot sa loob? Ang sagabal naman ng tuwalyang ‘to! “Convince me. Kumbinsihin mo ako para hindi ‘to makarating sa mga magulang mo,” Umupo ito sa kama. Itinukod niya ang dalawang kamay sa likuran nito at mariin akong tiningnan. He then crossed his legs. Napansin ko na marami siyang buhok sa paa. Mabalbon ito. Ang hirap mag-isip kung ito ang nasa harapan ko! My mind went blank. “Gagawin ko lahat ng gusto n’yo. ‘Wag n’yo lang pong sabihin sa mga magulang ko,” What the heck is this? ‘Yan ang napapala mo, Amihan! Kung ano-ano kasing katarantaduhan ang ginagawa mo! Napasigaw ako nang bigla na lang niyang kunin ang tuwalyang nakapulupot sa bewang niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD