"Good evening couz!" Ang malakas na boses ni Anthony ang sumalubong kay Aj pagbaba nito sa hagdan. Every friday night ay may family dinner sila na ginaganap sa kanya-kanyang bahay. Dalawa lang naman 'yun, dito sa kanila or dun sa bahay nina Anthony. Magkapatid ang mga daddy nila. Its like a family tradition, for them it is one way to maintain the family bond. Humalik at binati niya ang tita at tito niya pati na rin ang Lola at Lolo niya, but only to his father side.'Yung kay mommy kasi ay matagal ng namayapa. "Goodevening po," magalang niyang bati. "How's my favorite nephew," masayang bati din ng kanyang tito Alfred at niyakap siya nito. "Tito, may I remind you that I am your only nephew," natatawa niyang wika dito. Narinig niya ring tumawa ang lahat sa sinabi niya. Napabaling ang tin

