Naiinis talaga si Aj sa waiter, kung makatingin sa secretary niya, wagas!Gusto niyang tusukin ang mga mata. Hindi niya tuloy naiwasan sigawan ito. Tapos mukhang concern pa 'yung secretary niya dito. Nakakainis! "Ui, nagseselos!" usal ng isip niya. "I'm not!" Napalakas ang pagkakasabi niya nito. Pahamak talaga itong traydor niyang isip. Nakita niyang nakakunot noong nakatingin ang secretary sa kanya. "Ok ka lang, Mr.Villaflor? Mukhang nalipasan ka na ng gutom. Kinakausap mo na sarili mo, eh." Hindi niya ito pinansin. Naiinis pa din siya. "Mr.Villaflor, pwede magtanong?" muli itong nagsalita. Malamig niyang tinignan ito. Gusto niyang iparating na wala siya sa mood makipagbiruan. "Don't look at me like that! Magtatanong lang ako, ok!" pasuplada nitong wika sabay irap. Kakaiba talaga i

