"What now, Daniel! Nakatatawa ka lang!" impit na sigaw ni Hermes. "Isang gulong lang ang inalis ko, pero nagngingitngit ka na sa galit! What more pa kaya kapag inalis kong lahat ng gulong ng kotse mo!" dagdag pa niya na siya lang ang nakaririnig sa kanyang sinasabi. Ngumisi siya nang nakaloloko dahil kitang-kita niya ang galit sa mukha ng lalaking pinsan. Ngunit naikuyom niya ang mga kamay nang makitang nilapitan ni Luna si Daniel. At hinaplos-haplos pa ang likod nito upang pakalmahin. "Damn!" sambit niya. "What are you doing, Luna? S**t!" saad pa niya. Subalit, hindi naman mapigilan ni Daniel ang hindi sumigaw sa galit dahil sa nangyari sa kanyang kotse. "Who did this to my car!" nagsisisigaw na sambit nito. "Baka, iyong mga loko-lokong dumaraan dito, Daniel," nag-aalalang pa

