Pagkatapos mag-inquire ni Luna sa unibersidad ay agad rin siyang umalis doon. Naglalakad siya sa gilid ng kalsada nang may tumabi sa kanyang gʼwapong lalaki na nakasuot pa ng pang detective at tinutukan siya nito ng punyal kaya bigla siyang kinabahan. Mabuti sana kung punyal ni Hermes ang nakatutok sa kanya at siya na ang magsasaksak sa sarili niya. Sa baba pa niya mismo isasaksak! "Huwag nʼyo kong papatayin! Limang beses ko lang natikman ang buhay na punyal at gusto ko pang matikman ulit ʼyon! Kaya please ho ay ʼwag nʼyo ʼkong patayin," pakiusap niya sa nanginginig na boses. "Don't move!" maawtoridad na saad ng lalaking nanutok sa kanya ng punyal. Sosyal ang holdaper, ah! Englisero! "A-Ano hoʼng kailangan ninyo, sa akin? H-Holdaper ba kayo? U-Uhm, ki-kidnap-in nʼyo ba ako? Wala

