Chapter 37: Harana

1503 Words

Habang abala sa pagliligpit si Luna sa kusina nang gabing iyon ay narinig niyang may kumakanta sa labas. "Inay, tingnan nʼyo nga ho, kung sino ʼyang nagtutula sa labas. Abaʼy malayo pa ang buwan ng wika," pahayag niya. Nagkukʼwentuhan kasi sina Hermes at ang itay niya kaya si Aling Danna na lang ang inutusan niya dahil nagwawalis ito sa sala. Ngunit dumungaw rin ang mga ito sa bintana. At si Leonardo ang kumakanta sa labas, sa madaling salita ay nanghaharana ito. "Dalian mo na rʼyan, Luna! At si Leonardo ang kumakanta, Abaʼy talagang maganda ang boses nito," wika ng kanyang itay. Samantalang napabubuntong-hininga lang si Hermes. May boses bang maganda na parang binabasa lang ang lyrics? Maganda na pala ʼyon para sa kanila. Ano kaya kung kumanta rin siya ng o, ilaw na makulimlim,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD