"Bakit ba, rito ako napadpad sa lugar na 'to! Damn! Putik kang manibela!" asik niya. Kung p'wede lang niyang baklasin ang manibela ng sasakyan ay ginawa na niya! Kaso, baliw na ang tawag sa kanya kung gagawin niya ʼyon! Pucha! Heto na nga ba ang sinasabi niya! Pero shuta ang kanyang puso! Kung p'wede lang na hiwain ay ginawa na rin niya! Hay, naku! Gawin mo na! Hiwain mo na at iulam mo mamayang tanghali! At gawin mo na, kung ano iyang p'wede na 'yan! Puro ka sa kung p'wede lang! Kaya napailing na lang siya. At hindi niya namalayan na sumusunod na pala siya kina Daniel. Gusto niyang iliko ang kotse ngunit walang u-turn doon kaya wala siyang nagawa kundi sundin na lang ang ninanais ng kanyang puso na sumunod siya sa mga rito. Pero baka hindi na siya makapagtimpi kung nagkatao

