"Kapagod ang araw ngayon," sambit ni Luna na uminat-inat pa habang nagluluto ng hapunan nila ni Hermes. Pagkauwi kasi nila galing mall ay para siyang lantang gulay. Maaga ring umuwi ang matandang mag-asawa, kasama si Mang Poncio at si Madonna kaya balik normal na naman silang dalawa ni Hermes. At tulog ito dahil napagod rin. Habang hinahalo niya ang niluluto niyang nilaga ay naalala niyang magpatugtog ng paborito niyang love song. Mahilig din kasi siyang kumanta kaya sinasabayan niya iyon. "Mahal, tandaan mo. . ." "Lahat ng sasabihin ko. . ." Tumaas ang isang kilay niya nang marinig ang boses na iyon. Itinigil niya ang paghalo sa niluluto, tinakpan iyon at tinungo ang sala. "Hoy, ʼwag ka ngang makisabay sa akin. Magpatugtog ka ng sarili mo," mataray na aniya kay Hermes. "Baki

