Madaling araw nang magising si Luna dahil naalimpungatan siya sa sa pagbusina ng sasakyan. At naalala niya na baka si Mang Poncio ang dumating dahil ngayong araw sila aalis. Pero bakit kailangan pang magbusina ng matandang drayber, eh, wala naman silang gate? Open sesame ang kanilang bakuran dahil wala namang mananakaw sa kanilang bahay. Maliban na sa tuyot na dahon ng kanyang ina. Napailing tuloy siya sa naisip na iyon. Umagang-umaga ay kung ano-ano na naman ang pumapasok sa utak niya. Ginising niya si Hermes, dahil nasa kasarapan ito nang pagtulog, ngunit hindi magising kahit niyugyog na niya ito. Kaya may naisip siyang bagong kalokohan. Kumuha siya ng isang hibla ng buhok niya at pinaikot-ikot iyon gamit ng kanyang daliri, hanggang maging pangbahing iyon. At dahan-dahan niyang

