"Paano kung may nagtanong ho sa aking lalaki at importante ang itatanong niya?" saad niya kay Hermes. "Ignore them," tipid na sagot ng boss niya, saka sumimsim ito ng kape. Masarap ba Hermes? Tama si Luna, kasing sarap niya ang kape. Ngunit muling nagtanong ang dalaga. "What if wala kayo rito? Ganoon pa rin ba ang gagawin ko?" untag niya sa lalaking amo. Nakabubuwisit kasi ang rules na ʼyon! Dahil sa kanya lang yata pinabasa ni Hermes ʼyon! Tiningnan siya ni Hermes , kaya itinikom na lang niya ang kanyang bibig. "Is it hard to understand my rules, huh?" sambit ng binata sa kanya kaya hindi na lang siya nagsalita. Makulit ka kasi Luna. Nabasa mo na nga sa rules na siya lang dapat ang kakausapin mo at wala nang iba pa! Manahimik ka na lang dahil baka ibuhos ni Hermes iyang ka

