"G-Ganoon ba? S-Sige, lalabas na ako, at tatawagin na lang kita maya-maya dahil tanghalian na," malumanay na sagot ng dalaga. Palabas na sana siya nang tawagin siya ni Hermes. "Ms. Montes!" "I-Itlog—este, Hermes," sambit niya "Call me, sir, not by my name. And please, respect me, because I am your bos," mariing paalala nito. Napalunok si Luna sa sinabi nito, sabay buntong-hininga. "Y-Yes, Sir. Pasensʼya na po," aniya sa mahinang boses. "It's good that we both understand each other, and just a reminder not to use your cellphone during work hours," pahayag nito. Hindi agad nakasagot si Luna sa muling sinabi ng lalaking amo. Pakiramdam tuloy niya ay ibang Hermes ang kaharap niya ngayon. "M-Masusunod ho, Sir. L-labas na ho, ako," kandautal-utal niyang sagot at tuluyan na siya

