"Kumusta na ho, Inay?" masayang bati niya sa kanyang ina. Namimis na naman niya ang mga magulang kaya tumawag siya sa katabing puwesto nila sa palengke para makausap ang inay niya. "Heto, Anak at narito na naman ako ngayon sa palengke. Alam mo naman ang buhay sa probinsiya ay kay hirap-hirap kaya nagtatiyaga kami ng iyong tatay para sa araw-araw namin dito para naman umunlad tayo. Ikaw kumusta ka na?" tanong ng nanay niya sa kabilang linya. Napakamot naman ng buhok si Luna dahil marami nang nasabi ang inay niya. "Si Inay, talaga. . . Iisa lang nabanggit ko, kayo milyones na! Hindi talaga kayo nagbabago." "Anoʼng sabi mo? Mabango ako? Eh, hindi naman tayo magkatabi, kaya papa'no na ako ay mabango?" "Inay naman. . . Hays! Pumasok ho ang amoy ninyo riyan sa cellphone ni Uping

