"Inumin mo agad itong gamot, para maagapan agad," saad ni Luna na ipinainom kay Hermes ang isang piraso ng paracetamol at pinainom din niya ito ng tubig. "Thanks," ngiting wika ng binata. "Matulog ka na. At doon na ako sa labas," aniya na tatayo na sana ngunit pinigilan siya ng lalaking amo. "Stay here," saad nito. "Itulog muna, Hermes para gagaan ang pakiramdam mo. May meeting ka pa naman bukas," pahayag niya. "I can't sleep when you leave me, here," anito. Napabuntong-hininga na lang si Luna sa tinuran nito. "Sige, hindi ako aalis dito, pero matulog ka na. Hays, hindi muna sana dapat kasi ako pinasakay sa kotse mo, ayan tuloy, nagkasakit ka pa," paninisi niya kay Hermes. "Mas magkasasakit ako kapag iniwan kita roon," mahinang saad nito. "At bakit naman?" kunot noong wik

