Mapanakit! Marahas! Ngunit unti-unting nagbabago ang klase nang paghalik ni Hermes kay Luna nang maramdaman niya ang maalat na likido na nanggagaling sa dalawang mata ng dalaga. Tumigil siya sa kanyang ginagawa. Gusto niyang yakapin si Luna, ngunit kailangan niyang mag matigas. Ayaw niyang ipakita sa babaeng sekretarya ang tunay na nararamdaman para dito. "Not now, Hermes," bulong ng isip niya. At iniwan niya na si Luna roon. At pabagsak na isinarado ang pinto. Naiwan ang dalagang nakatulala. Pero bakit gano'n ang halik ni Hermes sa kanya? Ibang-iba kumpara kanina. Bakit, Luna? Ano baʼng klase ang halik ni itlog kanina, at ibang-iba ngayon? Kasi, inubos na ni Valerie ang lasa ng laway ni itlog! Nakita mo naman na naghahalikan sila sa loob ng opisina nito, hindi ba? 'Lang ʼyang

