"Talaga bang iinom ka, Sir Hermes?" nag-aalalang aniya nang maipatong ang dalang alak sa study table nito. "Hindi ka, pa kasi naghahapunan." "What do you think? Kaya nga ako nagpakuha ng alak sa ʼyo, ʼdi ba? And you donʼt care kung ʼdi pa ako naghahapunan," inis na wika ng lalaking amo. "P'wede naman na titigan niyo lang, at sabayan mo nang pagsubo ng kanin," wika rin niya. Nagsalubong ang kilay ni Hermes. "Titigan? Mauubos ba, kapag tititigan ko lang?" gagad nito. "At ayokong kumain, okay!" "Eh, subukan nʼyo. Malay mo, mapagalaw mo ang bote kapag tinitigan mo, tapos gagalaw at matutumba. . . Eh, ʼdi buhos!" "Leave!" utos niya. Ngunit napako ang tingin ni Luna sa kamay ni Hermes na may maliliit na sugat at galos. "A-Anoʼng nangyari sa kamao mo?" tanong niya sabay hawak sa

