SELAH "I will pick you up later." Napalingon ako kay Magnus na serysong nagmamaneho. "No need na, Magnus. I mean... gusto ko syempre na hinahatid at sunod mo ako kasi ang sweet nga ei. Pero may iba akong lakad mamaya," sambit ko habang nangingiti. Nangunot ang noo niya ngunit diretso pa rin ang tingin sa daan. Nang mag-red light ay saka niya ako binalingan ng tingin. "Sasama ako," mariin niyang sabi. "No!" agap ko. Hindi sa dahil ayaw ko siyang makasama kun 'di magiging sagabal lang siya sa lakad ko mamaya. "Why? May tinatago ka ba?" mapanuri niyang tanong. "Of course wala! Ano naman ang itatago ko sa'yo?" Napairap ako. Hindi ko na talaga alam kung ano ang problema niya kay Xennox, dahil wala namang ginagawang masama sa kanya 'yung tao. "Kasama mo ba si Xennox?" Tumango ako.

