SELAH YES, I'm pregnant and Magnus is the father. Kaya siguro ganito na lamang kasakit sa akin nang iwan niya ako, hindi lang dahil para sa akin kun 'di para sa magiging anak namin. Hinaplos ko ang impis ko na tiyan. Noong araw na iniwan niya ako'y balak ko sana na i-surprise siya. Binalak ko na sabihin sa kanya baka sakali na magbago ang isip niya. Ngunit nakita ko sa mga mata niya ang determinasyon na hiwalayan na talaga ako. "B-Buntis ka?" kandautal niyang tanong at nanlalaki pa ang kanyang mga mata dahil sa pagka-gulat. Umiiyak akong tumango sa kanya. Muli siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "Tahan na. Buntis ka pala tapos umiiyak ka. Baka hindi ka pa nga kumakain," sermon niya sa akin. Kumain naman ako pero konti lang dahil halos hindi ko iyon malunok. At isa pa ay

