SELAH "MOMMY! "MOMMY!" Kaagad akong lumingon sa aking likuran nang marinig ko ang tinig ng kambal. Mas lalo akong naiyak nang matiyak ko na sila nga ang batang tumatakbo palapit sa akin. Tumayo ako at sinalubong silang dalawa. Agad ko silang niyakap ng mahigpit. "S-Saan kayo galing?" naiiyak kong tanong sa kanilang dalawa. Sinuri ko pa silang dalawa kung may sugat o galos sa katawan nila, pero wala naman. Nakangiti pa nga sila na tila masayang-masaya na muntik na silang mawala. "Kayong dalawa. Bakit kayo umalis?" sermon sa kanila ni Camille. Bumaling ang tingin sa kanya ng kambal at ngumiti. Pagkuwan ay nilabas ni Storm ang kamay niya na nakatago sa kanyang likod at may hawak ito na bulaklak. Tulips na kulay orange. Inabot niya iyon kay Camille. "Tita ninang, I have floweys foy y

