SELAH "SELAH?" gulat na tawag ni tita Princess sa pangalan ko. Tutop niya pa ang kanyang bibig at nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Tila ba sinisigurado niya na tama ang nakikita niya. Kabababa lang namin ng sasakyan ni Magnus at ang kambal ay nasa loob pa. Siguradong mas magugulat ito kapag nakita niya ang kambal. Lumapit na siya sa amin, at sa paglapit niya ay siya namang pagbaba ng kambal kaya mas lalo siyang napanganga sa gulat. "Tita Princess," tawag ko sa kanya. Nilapitan ko siya at niyakap. Ramdam ko ang paninigas ng katawan niya. "Mom," pagtawag ni Magnus sa kanyang ina. Ngunit hindi siya pinansin nito dahil nakatutok na ang mga mata niya sa dalawang bata na hawak ni Magnus. "M-Magnus... S-Selah... s-sila na ba ang mga apo ko?" kandautal niyang tanong.

