SELAH "ANO'NG nangyari? Bakit ang gulo ng buhok mo?" nagtatakang tanong ni Camille nang makabalik na ako dito sa couch kung saan ko siya iniwan kanina. Hindi ko siya sinagot at kinuha ang bag ko sa ibabaw ng table. "Let's go, Camille!" aya ko rito. Hindi ko na siya hinintay pa basta ko na lamang itong iniwan doon. Bahala na siya kung susunod siya sa akin o magpapa-iwan. "Selah, wait for me!" dinig kong habol niya sa likuran ko. "Ang bilis mo namang maglakad. Ano ba talaga ang nangyari? Nakita ko si Eureka na umiiyak habang yakap ni Magnus," walang preno niyang sabi. Pabalang ko siyang nilingon at sinamaan ng tingin. "I'm just telling the truth, Selah," depensa niya agad. Inirapan ko na lang siya at muling tinalikuran. "Are you okay?" tanong ni Camille, basag nito sa ilang minuto

