Diana's POV Nakagayak na ako at palabas na sa bahay nang bigla akong habulin ni Mariel. Nagpaalam na kasi ako sa kanila na mauuna na ako. Nakakatawa dahil may hawak pa siyang kutsara at tinidor. Nakakapanibago lang dahil may paghabol na siya ngayon sa akin na dati naman ay hindi niya ginagawa. Masaya pa nga siya na nauuna akong umaalis ng bahay e. "Hey, sabay na us, hintayin mo na ako," sabi niya na siya namang kinagulat ko. Gusto kong matawa, kaya lang ay baka pagmulan pa iyon ng pag-aaway namin kaya hindi ko na ginawa. "Sorry, pero nagmamadali talaga ako e," sabi ko sa kanya. "Sige na nga, sa school na nga ako kakain, wait at kukunin ko lang ang bag ko," sabi pa niya. Nakakatawa lang dahil siya pa ngayon ang nagpupumilit na sumabay sa akin. Anong nangyayari sa kapatid kong maldita?

