Misha's POV Pagdating namin sa bahay nila Christine ay nagalit pa sila sa amin ni Diana dahil na-late kami. Kauna-unahang nakasibangot sa amin ang mainiping si Leeya na nakapamaywang nang nakita kami. "Bakit ngayon lang kayo? Kanina pa ako narito e, sabay-sabay lang naman tayong umalis sa school?" tanong ni Leeya. "Chill, may nangyari kasi kaya na-late kami," paliwanag ko agad. Ako ang nagsalita dahil medyo tahimik pa si Diana dahil bago pa lang siya sa grupo namin. Nahiya pa nga ito dahil hindi niya inaasahan na tatarayan kami ni Leeya. Sanay na ako sa kanya, pero sure akong si Diana ay hindi. "Bakit? Ano bang nangyari?" tanong naman ni Acelle nang lumapit sa amin. "Masaya. Sobrang saya. May binigyan kami ng leksyon ni Diana. Sa wakas, na-meet ko na ang mga holdapper na palaging nang

