MIKAELA MICHEL Naguguluhang napatingin ako kay Seven ng tumigil kami sa isang familiar na gusali. Mas lalong domuble ang kabang nararamdaman ko ng mapagtantong ito ang hospital na pinagdadalhan sa'kin tuwing inaataki ako ng hika, ang pag-aari ng family namin at family nila. Mabilis akong lumabas ng sasakyan ng lumabas siya. Akmang tatakbo na siya papasok na tila wala sa sarili ay agad ko siyang pinigilan sa braso dahil hindi maganda ang kutob ko sa kung ano mang bagay ang sadya namin dito. "Bakit mo 'ko dinala sa lugar na ito?" Paraang doon lamang siya natauhan na kasama niya ako. Kanina ko pa napapansin sa biyahe namin papunta rito na hindi siya nagsasalita at halatang lutang. Hinawakan niya ang balikat ko syaka mabilis na yumuko para itago ang naluluha niyang mga mata. "Kung ano man

