Pabagsak na inihiga ni Cailer ang pagod na katawan sa kaniyang higaan nang makauwi na sa dorm nila. Nasulyapan pa niya ang pagdausdos ng mga baryang nasa bulsa. Kinuha ang isa roon at saka itinaas at pinagmasdan. Habang pinagmamasdan iyon ay ipinatong niya naman ang kaliwa niyang kamay sa kaniyang noo. Nang sulyapan niya ang kisama ay napabuntonghininga siya nang tila mabuo roon ang imahe ni Meygan. 'It's not good.' bulong ng kaniyang isipan. Bumangon siya mula sa pagkakahiga at naglakad papunta sa CR upang maghilamos. Binasa niya na rin nang bahagya ang kaniyang buhok at saka sinimulang kalasin ang butones ng suot niyang kulay asul na polo. Intramurals nila kaya naman allowed silang mag civilian hindi gaya ng ibang eskwelahan na mayroon pang mga t-shirt na kailangang isuot. Isa iyon sa

