BEWITCHED BY THE DAYLIGHT VAMPIRE

925 Words
"Dude, kanina pa tayo nagpapaikot-ikot sa buong palengke, pero wala naman yung bampirang yun dito," reklamo na ni Vendrick pagkatapos ng dalawang oras nilang paghahanap sa tindera ng buko juice sa buong palengke ng Tabo-an. "What did you say?" Salubong agad ang kilay ni Gab nang bumaling sa kanya. Noon lang sumagi sa isip niya ang sinabi. "I said, kanina pa tayo naghahanap sa tinderong yun pero di naman natin makita. Baka nagsideline lang yun sa pagtitinda ng buko juice." Iniba na niya ang tono ng pananalita. Ang tindi ng kaibigan niya. Dahil sa pangit na yun, nagkakaganun ito. Umagang umaga pa lang kanina eh inaya na siyang pumunta rito, mula Manila hanggang Cebu, sumakay sila ng airplane, first trip pa, balewala sa kaibigan kung magkano ang binayad nito sa ticket nilang dalawa, makauwi lang ng Cebu. Tapos pagdating nila rito, ganto lang ang gagawin nila, hahanapin lang yung mukhang bampirang tinderang yun. Ang tindi magkagusto ni Gab. Ano ba'ng nakita nito sa babaeng 'yun? Andami namang babaeng naghahabol dito sa manila kasama na si Chelsea pero bakit sa pangit na 'yun pa ito nagkagusto? Baka ginayuma niyon ang kaibigan niya? Lalo na seguro kung malaman nitong babae 'yun at hindi lalaki. Nakapameywang na ito habang muling inikot ng tingin ang buong paligid. "Dude, wala na tayong ginawa kundi ang ikutin ang buong palengkeng to. Magpahinga naman tayo," anya saka naghanap ng masisilungang lugar. Kanina pa sila nagtitiis sa init ng sikat ng araw. "Dude, ayukong umalis ng pinas hangga't di ko siya nakikita," determinadong sagot ni Gab nang sumunod sa kanya. Tumigil siya sa paglalakad at humarap dito. "Are you out of your mind?" napataas ang boses na sambit niya. "Dude, wake up! Maraming babae jan, naggandahan pa. Bakit mo ipagpapalit ang future mo sa walang kwenta mong pakiramdam?" sermon niya rito. Hindi ito nakapagsalita, nilamukos lang ang mukha saka inis na tuminging muli sa paligid. Gusto niyang awayin ang kaibigan sa pabugso-bugso ng damdamin nito dahil lang sa isang babae. Nakaready na ang lahat ng mga papeles nila papuntang Canada para duon mag-aral sa kolehiyo. At sa sunod buwan na ang kanilang alis. Pero kung dahil lang sa bampirang yun kaya magbabago ng desisyon ang kaibigan, siya mismo ng unang puputol sa kabaliwan nito. Magkasosyo sa negosyo ang kanilang mga Papa at parehas na Nurse ang kanilang mga ina, sa iisang ospital din nagtatrabaho kaya para na rin silang magkapatid ni Gab, parang magkadikit ang kanilang mga pusod na kahit saan magpunta ang isa, kasama ang isa. Hindi sila pwedeng paghiwalayin ng kahit na sino. Mas matindi pa nga sila sa magjowang mga bakla. Subalit ngayon, di talaga niya gusto ang nagiging ugali nito simula nung makita nila yung pangit na nagnakaw ng kanyang first kiss na pinangarap niyang ipagkaloob kay Chelsea. "Hindi tayo babalik ng manila hanggat di natin siya nakikita," saad nito, para nang isang batas yun na kailangan niyang sundin. "What?" hiyaw niya. Eksakto namang may dumaang nagtitinda ng buko juice sa harap nila. "Buko juice! Buko juice kayo jan!" Sabay pa silang napatingin sa lalaking tindero, sabay ding napabulalas. "It's the same cart!" Pero si Gab lang ang naglakas ng loob na tumawag sa mamang tindero ng buko juice. "Sir, sandali po!" anito. Huminto naman agad ang mamang tinawag at bumaling sa binata. "Kilala niyo po ba yung lalaking tindero din ng buko juice? Yung nakasumbrero tsaka--tsaka may mahaba pong pangil na ipin sa harapan?" tanong ni Gab nang makalapit rito. Kumulubot ang noo ng mamang tinanong saka mariing tumitig sa kanyang kaibigan. Di siya nakatiiis at lumapit sa dalawa. "Ah, bumili po kami ng buko juice dati pero sumobra po kasi siya ng sukli samin. Kaya ibabalik po namin yung pera," pagsisinungaling niya para lang may idahilan sa mama. Bumaling ito sa kanya, tinitigan din siya, nang maramdaman segurong kapanipaniwala ang sinabi niya, saka ito nagsalita. "Ah ganun ba? 'Yaan niyo na 'yun. Gano'n talaga ang anak ko na yun, matulungin sa kapwa," anang mama. Nagkatinginan sila ni Gab, sabay pa uling napatingin sa tindero. Ito ang ama ng pangit na yun? Bakit parang ang layo ng mukha nun sa kaharap nila? May itsura naman ang ginoong kaharap. Ayun eh parang baku-bakong daan ang mukha sa lalaki ng mga pimples. "Nasaan na po ba siya ngayon?" usisa ni Gab, desidido talagang makita ang hinahanap. "Kaaalis lang kaninang umaga papuntang manila," sagot ng mama. Pagkarinig lang sa sinabi ng lalaki ay agad nang tumalikod si Gab at nagmamadaling bumalik sa kinaruruunan ng van nito. "Saan po ba siya sa manila?" usisa niya. "Sabi, Malinta daw," sagot nito. "Teka, bakit ang dami mong tanong?" nagtataka nang usisa. "Sensya na po, kuya. Pero---" an'ya saka kumuha ng buong 500 sa bulsa ng pantalong maong, "---Ito po yung sobra sa perang isinukli niya samin," dugtong niya saka iniabot dito ang pera at nagmamadaling sumunod kay Gab pabalik sa sasakyan. Gulat namang naiwan ang ama ni Marble, paulit-ulit na tinatanong sa sarili kung sino ang dalawa at bakit ganun kalaki ang sobrang sukli ng anak sa kanila. "Dude, balik tayo sa manila," sambit ni Gab sa kanya pagkapasok niya lang sa loob ng sasakyan. "What? Just like that?" salubong ang kilay na bulalas niya. Tumango lang ito at pinaandar na ang sasakyan. Napapailing na lang na ikinabit niya Ang seatbelt. Kung alam lang niyang magkakaganto ang kaibigan dahil lang sa tinderang 'yun, 'di na sana siya nagyayang umikot muna sa palengke at bumili ng itinitindang buko juice ng halimaw na 'yun. Ahhh, kasalanan niya ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD