HELLO RIZAL PARK

1246 Words
Hindi alam ni Marble kung ilang beses siyang nakatulog pero nagigising siya pag naririnig ang ingay na nagmumula sa loob ng bus kapag sasakay na uli sila sa panibagong bus papuntang Manila at sumakay pa nga silang ferry boat saka muling bumalik sa loob ng bus hanggang sa muli silang sumakay sa panghuling bus na dederetso na sa Manila. Sa bawat paglipat nila ng bus ay kumakain sila lagi nang di raw sila magutom sa daan, anang kanyang Tyang Amanda. Pagkatapos kumain ay muli siyang nakatulog. Di niya alam kung ilang oras siya sa pagkakatulog. Basta naramdaman na lang niyang may kumakapa sa bulsa ng kanyang jeans saka siya nagising. Agad siyang nagdilat ng mga mata. "Tyang?" gulat niyang sambit nang makita itong nakaupo na sa kanyang tabi. Sandali itong natigilan at awang ang bibig na tumitig sa kanya. Maya-maya'y hindi na mapakali ang mga mata. "Ano kasi, naubos na ang pera ko kakabili natin ng pagkain mula pa kahapong nagsimula tayong magbiyahe. Baka naman pwedeng pahiramin mo muna ako ng pera jan at bibili lang akong pasalubong sa mga anak ko. Andito na kasi tayo sa manila. Malapit na tayo sa terminal ng bus," paliwanag nito, alanganing nakangiti. "Ah gano'n po ba?" anya saka kinuha ang nakatuping 500 sa bulsa. "Ito po," abot niya ng pera rito. Biglang lumungkot ang mukha nito pagkakita sa iniabot niya. "Naku, kulang 'to. Baka sabihin ng asawa ko, wala man lang akong nabiling pasalubong sa kanila. Baka merun ka pa dyan, pwedeng dagdagan mo kahit isang libo lang. Babayaran na lang kita pagdating natin sa bahay," hirit sa kanya. Sandali siyang nag-isip. Kung ibibigay niya lahat ng perang bigay ng kanyang mga magulang at kaibigan rito, wala na siyang pambili ng gusto niyang bilhin sa oras ng kagipitan. Sinulyapan niya ang tyahin. Nakakaawa naman kung di niya ito pagbibigyan tutal eh magbabayad naman daw ito pagdating nila sa bahay nito. Dahil nanaig ang awa sa tyahin kaya dinukot na niya ang perang binigay ng mga kaibigan sa kanya. "Sensya na po pero yan na lang po ang natitira kong pera," sagot niya. Mabilis nitong kinuha ang nakatuping tatlong daan at umayos ng upo. "Sige, sapat na ata 'to. Wag ka nang matulog ha at ilang minuto na lang eh hihinto na to sa terminal," sambit nito. Tumango lang siya saka idinako ang tingin sa may bintana. Wala siyang ibang nakikita kundi nagtataasang mga gusali at dikit-dikit na mga bahay. Kung merun mang mga puno, kukunti lang ang kanyang nakikita. Di katulad sa Cebu. Hindi rin halos umuusad ang kanilang bus sa dami ng mga sasakyang nagpakahilira sa gitna ng daan. Matrapik pala sa manila. Iyon ang kaibahan sa kanila sa Cebu. Iniikot naman niya ng tingin ang loob ng bus. Punu-punuan na ang loob, merun na ngang mga nagpakatayo sa gitna. Kaya seguro lumipat na ng mauupuan ang kanyang Tyang Amanda sa kanyang tabi. "Tyang ano na pong lugar 'to?" usisa niya ngunit di rito nakatingin, kundi sa labas ng sasakyan. "Ah ito ang Pasay," ang sagot saka dinukot ang cellphone at may tinawagan. "Andito na ako sa Pasay. Susunduin mo ba ako? Marami akong dala eh," pagbibigay alam sa kausap. Tahimik lang siyang nakikinig kahit 'di rito nakatingin ang mga mata, kunwari ay abala siya sa pagtanaw sa mga nakikita sa labas ng bus. Ngunit nagtataka siya kung bakit sinabi nitong maraming dala gayung isang sukbit na bag lang naman ang dala nito at isa ring backpack. "Ah ganun ba? O sige sa Luneta," wika na uli nito saka pinatay na ang tawag. "Sa Luneta tayo dederetso pagkatapos natin bumaba sa terminal ha? Tandaan mo yung paligid na dinadaanan natin. Wag kang lalayo sakin baka maligaw ka ha?" bilin nito sa kanya. Saka lang siya bumaling rito at nakangiting tumango. Napangiwi ito nang makita ang mahahaba niyang pangil. "Nakakatakot naman yang mga pangil mo, para kang totoong bampira." Agad niyang pinagdikit ang mga labi at di na nagsalita. Sanay naman na siyang ganun ang sinasabi sa kanya kaya di na siya nasaktan sa komento nito at tumahimik na lang sa kinauupuan hanggang sa huminto ang bus sa terminal niyon. Hinintay muna nilang magsilabasan ang ibang mga pasahero hanggang sa lumuwang ang daanan at saka lang sila bumabang magtyahin. Pagkababa lang ay inaya na siya nitong lumabas ng terminal at maglakad papunta pa sa unahan. Sumunod lang siya saka sila sumakay ng jeep peri di niya alam kung saan papunta yun, baka sa sinasabi nitong Luneta. Na-excite siya agad sa naisip. Sa wakas, makikita na niya ang tanyag na Luneta Park na sa libro niya lang nasisilayan ang itsura. Habang nasa loob ng jeep, di niya maiwasang mapatitig sa naggagandahang mga dalagang nakasakay din. Ang kakapal ng make-up ng mga ito at halos lumuwa na ang mga dibdib sa suot ng mga itong damit pero wala man lang pakialam ang lahat sa bawat isa. Siya lang seguro iyong pakialamerang naruon. Kahit ang mga lalaki'y kapansin-pansin ang kaputian ng mga mukha, ang gugwapo ng mga ito, napapanganga tuloy siya sa paghanga, ngunit nang makitang napangiwi ang isang lalaking napasulyap sa kanya'y agad niyang itinikom ang bibig. Nakita na naman seguro ang kanyang mga pangil. Kinalabit siya ng kasama pagkaraan ng halos kalahating oras na pag-upo nila sa loob ng jeep. "Baba na tayo," anang tyahin saka naunang tumayo at bumaba ng jeep. Sumunod na uli siya, mahigpit pa rin ang pagkakayakap sa kanyang backpack na tila may kayamanang andun. Agad niyang pinagmasdan ang paligid. Una niyang nakita ang naglalakihang mga puno sa gilid ng kalsada. Hinawakan siya ng tyahin sa kamay at naglakad sila sa unahan hanggang sa makita niya ang isang matayog na flagpole at sumunod sila sa mga taong naglalakad papasok sa isang park na sa unahan ay may munumento ni Rizal. Namangha siya sa nakita habang binabalikan sa isip ang itsura ng Rizal park sa libro. Iyon na nga 'yun. Iyon na ang Luneta na sinasabi ng kanyang Tyang Amanda. Ang ganda pala, ang daming tao sa buong paligid. Tuluy-tuluy silang naglakad sa sementadong daan palapit sa munumento ni Rizal. Kahit nalapamsan nila yun ay nakalingon pa rin siya ruon. "Dito muna tayo sa lilim umupo," anang tyahin saka nauna na uling umupo sa sementadong upuan sa tabi ng isang malaking puno. Nakangiti siyang umupo ruon saka muling tinignan ang buong paligid. Naaliw siyang pagmasdan lalo na yung mag-amang tumutugtog ng gitara at sabay na kumakanta. Gusto niyang lumapit sa mga ito pero baka naman maligaw nga siya sa lugar na yun at di na makita ang tyahin kaya nagkasya na lang siyang umupo at tanawin ang dalawa. Maya-maya'y tumayo ang kasama. "Marble, dito ka lang muna ha? Bibili lang ako ng pagkain natin sa dako ruon. Duon din ako bibili ng pasalubong sa bahay," paalam nito. Tingala niya ang tyahin ngunit walang reaksyon sa kanyang mukha. "Dito ka lang ha? Wag kang aalis dito baka maligaw ka. Dito ka lang maghintay," bilin nito sa kanya. Duon lang siya tumango pero di na ngumiti nang di nito makita ang kanyang mga pangil. Umalis na ito pagkuwan. Siya nama'y nagkasya na lang na habulin ito nang tingin habang papalayo at pabalik sa pinasukan nila kanina. Baka dun ito bibili ng pagkain. Lumingon siya sa paligid. Merun naman dun nagtitinda ng mga biscuit at tubig saka mga pagkain sa di kalayuan, bakit sa labas pa ng park ito nagpunta? Bigla siyang kinahaban sa naisip at napatayo sa kinauupuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD