"Anak magpapakabait ka du'n. Wag kang magpapasaway kay Amanda. Tumulong ka sa mga gawaing bahay ha?" todo bilin ang kanyang ina habang tinutulungan siyang ilagay ang kanyang mga damit sa luma na niyang backpack na ginagamit dati sa school.
"Opo," para naman siyang maamong tutang panay lang tango.
Kunti lang na damit ang pwedeng magkasya sa kanyang bag kaya pinili na niya ang mga medyo hindi pa kumukupas ang kulay niyang mga t-shirts at jogging pants at isang pantalong maong na malapad ang manggas sa laylayan at yung isang fitted jeans ang kanyang isinuot kahit kupas na ang kulay nun, pero okay pa naman saka tatlong pirasong panty at bra. Tama na yun. Kasya na seguro yun, magkasya lang sa maliit niyang bag.
"O Manang Linda, yung pamasahe niyang si Marble. Alam mo namang wala akong perang dala, eksaktong pamasahe lang pabalik ng Maynila ang natitirang pera sakin, baka kapusin kami sa daan niyan," paalala ni Aling Amanda na nakaupo sa nag-iisang silyang buo pa rin ang mga paa, 'yung iba kasi'y nagkanda sira na kaya nilagyan na lang ng kahoy na paa ng ama para lang magamit pag may bisita sila. Pag taga sa kanila lang tulad ng kanyang Ninang at si Ynalyn ay sa lumang bench na lang umuupo, di ginagamit ang mga silya.
"Oo na," anang kanyang ina saka dumukot sa bulsa ng palda nitong suot. May inilabas itong dadaaning perang nakatupi pa saka ibinigay sa kapatid.
"O ayan, limanlibo 'yan, tig-iisang daan. Bayad na ang pagtira ni Marble sa inyo ng isang buwan niyan, mamaya pahirapan mo ang anak ko dun kasi walang perang ibinibigay sayo. Anjan na ang bayad niya," ani Aling Linda sa babae.
Napangiti nang maluwang ang huli saka hinampas ng kamay ang kapatid.
"Ikaw talaga manang, para namang iba sakin 'tong pamangkin ko," anito, itinago agad ang perang ibinigay ni Aling Linda sa secret pocket ng sukbit nitong sling bag.
"O anak, ito yung limang daan. Huwag mong gagastusin yan hanggat di ka pa nakakahanap ng trabaho sa Manila ha?" baling ng ina sa kanya sabay abot ng limandaang piso.
"Opo," sagot niya uli saka inabot ang pera inilang tupi yun bago ilagay sa kanyang bulsa.
Nang matapos na siya sa ginagawa saka naman niya narinig ang tawag ni Ynalyn sa labas.
"Bakla! Bakla! Anjan ka pa?" tila nagmamadali ito.
Patakbo na siyang tumalikod sa ina at bumaba ng bahay.
Pagkakita lang ng kaibigan sa kanya ay agad itong humikbi at yumakap sa kanya.
"Besty, aalis ka na ba talaga? Kelan uli tayo magkikita? Magkikita pa ba tayo?" tuluyan na itong napaiyak.
Pinigil niyang maluha. Sa totoo lang, di siya sanay umiyak. Anong iiyakan niya eh sanay naman siya sa hirap ng buhay. Wala naman siyang problema sa pera at sanay din siyang maghanap-buhay para sa sariling pangangailangan. Pagdating sa ibang bagay, wala siyang dapat iyakan. Noong isang araw lang siya umiyak nung mahalikan ng bastos na lalaking yun. Pero nang sumagi sa isip na baka matagal pa nga bago sila uli magkita ni Ynalyn, parang gusto na rin niyang umiyak subalit pinigilan niya.
"Tahan na, besty. Magkikita rin tayo. Taon-taon ako uuwi. Pag di ako makauwi, tatawagan kita. ibigay mo na lang ang number mo para pagdating ko sa Manila, matawagan kita," ilang-beses muna siyang huminga nang malalim bago nagsalita nang di nito mapansing gusto na rin niyang maiyak.
Humihikbi itong kumawala sa pagkakayakap sa kanya at may inilabas sa bulsa ng short.
"Talagang pinaghandaan ko na tong ibigay sayo nang malaman ko kay Nanay na paalis ka na," anito saka iniabot sa kanya ang papel kung saan nakasulat ang number nito. Inilang tupi niya rin yun saka inilagay sa bulsa ng kanyang jeans.
Yayakap na sana uli ito nang mabilis siyang tumalikod para di nito makita ang pagpapahid niya ng luha sa mata.
"Besty, may ibibigay akong gift sayo sa birthday mo sana," anya at nagtungo sa likod bahay, kinuha ang isang flowervase dun na may tanim na aloevera at binitbit yun pabalik kay Ynalyn.
"Itong aloevera. Ingatan mo yan ha nang di mamatay. Maganda daw yan panglagay sa mukha nang di ka magkatagyawat," sambit niya.
Kahit panay ang hikbi, bahagya itong napangiti kahit papano.
"Boss Jols! Boss Jols!" takbuhan sina William sa kanilang bakuran kasama ang buo niyang tropa.
"Boss Jols, aalis ka na agad? Di mo man lang pinaabot ng isang linggo pagkatapos ng graduation bago ka umalis? malungkot na saad ni William.
"Di pwede eh, andito na kasi si Tyang Amanda. Siya ang titirhan ko sa manila," paliwanag niya, di pinahalatang malungkot siyang aalis.
"Pagdating mo dun, magtext ka samin ha? Ito number namin," Ani Charry at iniabot ang one-fourth na yellow pad kung saan nakasulat ang lahat ng mga number ng mga itong nakalakip na ang pangalan.
Kinuha na uli niya yun, ilang beses na tinupi at ibinulsa.
Mababakas sa mukha ng mga tropa niya ang lungkot, ang iba'y umiiyak na habang sabay-sabay na yumakap sa kanya.
"Boss Jols, tatawag ka samin palagi ha?" anang isa niyang tropa.
"Para naman akong pinaglalamayan nito. Tumigil na nga kayo sa kadramahan. Parang luluwas lang akong Maynila eh," Naiinis niyang sambit ngunit ang totoo dalang-dala na siya sa iyakan ng lahat.
"Wag mo kaming kalilimutan, Boss Jols ha?" ani William na kung hindi lang lalaki ay baka nakiiyak na rin kasama ng ilan pa.
"Oo. 'Pag nakapagtrabaho na ako taon-taon ako uuwi dito," may katiyakan niyang sagot, saka lang nagsitahan ang mga to.
Humugot si William ng pera sa bulsa ng short nito at ibinigay sa kanya ang tatlong tig-iisandaan.
"Pasensya ka na, Boss Jols. Ito lang talaga ang kaya ng mga bulsa namin. Tig bebente kami nyan lahat. Basta pagdating mo sa Manila, tawagan mo agad kami," anito.
Nahihiya ma'y tinanggap niya yun. Di man niya magastos yun, gagawin na lang niyang souvenir para pag nakikita ang mga yun ay maaalala niya ang kanyang mga katropa.
"Maraming salamat sa inyo. Hayaan niyo, tatawagan ko kayo lahat pag nandun na ako sa Manila," pangako niya.
"Marble, asan na ang Tatay mo nang maihatid na kayo sa Terminal ng bus?" tawag ng ina. Nakababa na ito sa hagdanan ng bahay bitbit ang kanyang backpack.
Hinanap niya sa paligid ang ama ngunit wala iyon dun.
Asan ang Tatay niya?