Chapter 1

1050 Words
Kanina pa tumutunog ang alarm-clock ko pero di parin ako bumabangon, ayokong bumangon. "Breakfast is ready, honey. Bangon na." Bigla akong napabangon dahil sa pamilyar na boses na yun, inilinga ko ang paningin ko pero walang ibang tao dito sa condo ko maliban sakin. Huminga ako ng malalim at ibinagsak muli ang katawan sa kama. Ilang taon na pero ganto parin. Naririnig ko parin ang boses nya, naaamoy ko parin ang pabango nya, nararamdaman ko parin ang presensya nya, kahit matagal na syang wala. Ipinikit kong muli ang aking mga mata para matulog, wala akong gana pumasok pero papasok parin ako. Okay lang naman na malate ako sa trabaho dahil ako naman ang may ari ng kumpanyang yun. Ilang minuto pa ako natulog bago bumangon at maligo. Nasa tapat ako ng shower nang marinig kong muli ang boses nya. "Hon, di ka pa ba tapos? Malalate ka na!" Kahit na alam kong imagination ko nalang yun, napangiti parin ako. Tumulo ang mga luha ko kasabay ng tubig na tumatama sa muka ko galing sa shower. Pag katapos kong maligo at mag bihis, dumiretso agad ako sa kusina para mag kape. Yun nalang ang agahan ko dahil wala akong gana kumain ngayon. Tinignan ko ang cellphone ko, ang dami nang text galing sa sekretarya ko. May meeting ako ng 7:30 pero 8 na nandito parin ako sa condo ko. Yap, sa condo ako nakatira, may bahay naman ako, malaki pa nga e pero mas gusto ko dito dahil may tao akong hinihintay. Dito nya lang ako unang pupuntahan kung sakaling maisipan nyang balikan ako o kahit kamustahin man lang. Dalawang taon na pero ang mga litrato naming dalawa ay nakasabit pa sa ding-ding, wala akong tinanggal kahit isa. Ang sarap balikan ng masasayang ala-ala pero nakakalungkot din dahil tapos na. "I love you, hon." Napapikit ako nang bigla ko nanamang marinig ang boses nya, naramdaman ko ang init ng hininga nya na para bang nasa tabi lang ng tenga ko ang bibig nya. Bago pa ako malunod kakaisip at kakaalala sakanya, tumayo na agad ako at kinuha ang mga gamit ko. Alam kong di na ako lalabas sa condo ko at mag-iiiyak nalang dun magdamag dahil naalala ko nanaman sya. Sabagay naaalala ko naman palagi sya, kahit saan ako lumingon parang nakikita ko sya, lalo na sa condo ko. Parang nakikita ko parin syang nakangiti sakin habang titig na titig sa mga mata ko pero isang kurap ko lang nawawala na agad, namamalik mata lang ako. NAKAKA-STRESS ang araw na to, puro meeting. Tinawagan ako ni mama, umuwi naman daw ako sa bahay dahil nag luto sya, tumanggi ako. Baka sa araw na to bumalik yung taong matagal ko nang hinihintay. Kadiliman agad ang sumalubong sakin pag bukas ko ng pinto sa condo ko. Huminga ako ng malalim bago ko pindutin ang switch ng ilaw. Gusto ko na sanang magpahinga pero nang tignan ko ang mga litratong nasa dingding, parang gusto ko munang balikan lahat yun. Masarap alalahin yun pero masakit dahil tapos na. Umupo ako sa sofa at nilibot ang tingin sa condo. Tumama ang paningin ko sa isang litrato, nakayakap ako sakanya. May mga petals ng rosas na nag kalat sa lapag. May hawak akong tatlong pirasong rosas. Napangiti ako. Iyon kase yung araw na sinagot ko sya. Kitang-kita ko sa mga mata nyang masaya sya. Nakakawala ng pagod ang ngiti nya, makakalimutan mo ang mga problema mo dahil sa kislap ng mga mata nya. -flashback- Nasa labas palang ako ng bahay pansin ko nang sobrang dilim sa loob niyon. Tanging ilaw lang sa pintuan namin ang bukas. Binuksan ko ang pintuan namin, sobrang dilim. "Mama?! Papa?!" Sigaw ko pero walang sumagot. May naririnig akong kaluskos kaya kinabahan ako. Kinapa ko ang switch ng ilaw. Muntik na akong atakihin sa puso nang bigla silang mag sigawan. "Surprise!" Sabay-sabay nilang sabi. Nandoon ang mga magulang ko at mga kaibigan ko. "Anong pakulo nanaman to?" Natatawa kong tanong sa kanila. Di sila sumagot. Ngingisi-ngisi lang sila habang nakatingin sa likod ko. Dahan-dahan akong tumalikod, nakita ko si clay na nakaluhod ang isang paa at inilalahad sakin ang tatlong piraso ng rosas. "Di ako perpektong lalaki." Panimula nya. Yun palang ang sinasabi nya pero pumatak agad ang luha ko. "Pero gagawin ko lahat para kahit na sa paningin mo manlang maging perpekto ako. Mahal na mahal kita, cola. Can you be my girlfriend?" Tanong nya. Natakpan ko ang bibig ko dahil humahagolgol na ako ng iyak. "Y-yes! Yes!" Sagot ko. Tumayo sya at niyakap ako ng mahigpit. "Thank you!" Hinalikan nya ako sa noo. "I love you, cola." -end of flashback- Bumagsak ang mga luha ko dahil sa ala-alang yun. Parang gusto kong ibalik ang oras, gusto ko ulit maramdaman yung ganong pakiramdam, gusto ko ulit madama yung init ng yakap nya. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko, hinihiling ko na sana pag dilat ko nasa harap ko na ulit si clay, yung taong mahal ko, yung taong pinakawalan ko. "Wag mo akong iwan, clay. Mahal na mahal kita." Lalo akong naiyak nang maalala ko yung huling sinabi ko kay clay bago sya mawala sa tabi ko. Inihilig ko ang batok ko sa sandalan ng sofa at ipinikit ang mga mata ko. Kaylan ba matatapos tong sakit? ILANG oras na akong nakahiga sa kama. Di ako makatulog, baling lang ako nang baling sa kaliwa't kanan. Tinignan ko ang orasan ko, 12:30am na kanina pa akong 8 nakauwi. Gabi-gabi nalang ganito ako. Kahit na gusto kong matulog agad, hindi ko magawa. Kakaisip, kakaisip sa mga bagay-bagay, kakaisip sa maling ginawa ko, kakaisip sakanya. Sana pag gising ko bukas na sa tabi na ulit kita. Sana isang mahabang panaginip lang to. Ipinikit ko ang mga mata ko at pinilit ang sariling makatulog. Ilang oras pa bago ako dalawin ng antok. PARANG kahapon lang din ang nangyari ngayon. Nag alarm ang alarm-clock ko, narinig ko ang boses nya, naligo, nagkape at pumasok sa opisina. Walang bago, paulit-ulit nakakasawa, nakakainis na. Gusto kong mamahinga, gusto kong mag bakasyon kahit ilang-araw lang. Napapagod ang buong pagkatao ko, nagugutom sa pagmamahal ang kaluluwa ko at nasasaktan ang puso ko. --- Puro flashback ang story na to, sana hindi kayo malito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD