Nagulat si Angela sa naging realisasyon para sa sariling damdamin. Pagkatapos ng kanta ay tumayo siya at pasimpleng iniwan ang grupo. Hindi niya napansin ang pagsunod ng mata ni Hans sa kanya. Bahagyang lumayo ang dalaga sa umpukan upang mahimasmasan. She likes him not just a simple likeness. She was defintely attracted to him! At nag-aalala siya sa tinatakbo ng sariling damdamin. Tumalilis siya at tinugpa ang daan sa gilid ng base. She just wanted to stay away from the crowd for a bit dahil talagang nagulat siya. Napatitig siya sa sariling anino at wala sa sariling tumingala sa kalangitan. Nakasalip ang bilog na buwan mula sa madidilim na ulap. A moonlight being drawn by black clouds. She felt a bit nostalgic, ganuong moment rin nang mangyari ang pagligtas sa kanya ng estrangherong bina

