Nang sumunod na araw ay may hindi inaasahang bisita si Hans. "Its positive big boss. Si Angela ang pakay ng mga nakikitang kahina-hinalang mga lalaki sa paligid ng headquarters." Naggalawan ang mga muscles sa mukha ni Hans sa report na dala ni Fritz. Habang nasa bakasyon ito at si Wesley ay sinamantala niya ang paghingi ng pabor sa dalawa tutal ay parehong nanunulayan ang mga ito sa bahay ni Xander doon din mismo sa Quezon. "Gaano kasigurado ang report na ito?" His eyes grew dangerously as he spoke the words. Si Wesley na kasama nina Fritz na nakaupo sa sofa ng opisina ni Hans ang sumagot. "They had followed you all the way to that house Hans. At hindi lang isa. Magkakasunod ang tatlong lalaki umagapay sa inyo hanggang sa pumutok ang gulong ng sasakyan nang araw na lumabas kayo ni Miss

