bert house
so ayun na nga dahil medyu masama loob oo naghahanap ako ng makakausap,kunwari pumunta ako sa bahay ng classmates ko(kay aiza)
dahil halos magkatabi lang naman bahay nila kaya kunwari tanong ko sa classmate ko
"aiz dyan kaya si bert ngayun sakanila?"tanong ko.
"naku di ko ba alam faye,di ko na kasi sya masyado nakikita jan,baka busy sa work"wika nya.
pero dahil talagang gusto ko sya makausap pumunta ako sa bahay nila..
"tao po.."
nakita ko syang lumabas nagulat sya..
"anung ginagawa mo dito?"
ung mukha nya parang aligaga.
"binisita ka di kana kasi pumupunta sa bahay"
"pasensya na medyu nabusy lang ako"sagot nya
"anu pala ginagawa mo dito?" tanong nya ulit.
"gusto ko lang may makausap maari ba tayong maglakad or lumabas?" ako na nag nagyaya kasi gusto ko talagang makabawi sakanya, without knowing na ito na pala ang magiging kasumpa sumpa kong araw.
"sige,bihis lang ako,may kilangan din akong sabihin sau"wika nya na agad akong kinabahan,pero di ko nalang pinansin.
habang naglalakad...kasi un ung usual date namin maglakad habang nag uusap papunta kung saan kami kakain..mas masarap kasi sa pakiramdam yung ganung scene..
tahimik lang sya parang may gusto syang sabihin..kaya ako na ang unang nagsalita.
"kaya ako napunta dito kasi naghahanap lang ako ng makausap at malalabasan ng sama ng loob,subrang down ako ngayon,di ko alam anung gagawin ko"
napatingin sya sakin at hinawakan nya kamay ko..
"kung anu man pinagdadaanan mo ngaun,makakaya mo yan,pagsubok lang yan..ikaw pa ba,ikaw ata ang kilala kong matapang na tao,bukod sa maldita"sabi nya na may kasamang tawa...
"luko ka talaga,"sabay hampas ko sa balikat nya."namiss kita subra"sabi ko sabay hawak sa braso nya.
natigilan sya at di nakaimik.nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa isang kainan.kumain tapos naglakad papuntang baywalk.. oh diba nagtitipid kami sa pamasahe joke..talagang enjoy kami kasi sa ganong sitwasyon.
habang nakaupo kami sa isang tabi bigla syang nagsalita..
"faye..."
dati tart tawag nya sakin nagulat ako bakit tinawag nya ako sa pangalan ko.
"bakit tart may gumugulo ba sa isip mo?"
tanong ko sakanya.
"alam mo kung gano kita kamahal"umpisa nya."alam ko na malaki ang problema mo ngayon,ayaw ko sana makadagdag pa,pero ayaw ko maglihim sayo..dahil mahal na mahal kita"at tuluyan ng tumulo ang luha nya..
ako naman ay naguguluha,parang alam ko na ang gusto nyang sabihin pero para akong nakalutang ng mga sandaling iyon, halos walang lumabas na salita sa bibig ko,naghihintay lang ako sa mga sasabihin nya.
"bakit mo sinasabi yan?anung ibig mong sabihin?"ang halos pabulong kong sagot at tila lumalabo narin ang paningin dahil sa nagbabadyang luha na papatak saking mga mata...
"nung mga nakaraang buwan na nagkakalabuan tayo,panu ko ba sisimulan"napipiyok nyang wika habang ako naman matamang nakatitig lang sakanya.
"gusto kung unawain mo lahat ng sasabihin ko,hindi ibig sabihin nun di na kita mahal,"
saglit na katahimikan..niyakap nya ako.
"tart hindi ko sinasadya.."umiiyak sya
"kaya di na ako pumupunta nitong mga nakaraang araw yun ay upang di na kita masaktan ng husto,dahil akala ko sa ganung paraan makakalimutan mo na ako,"
di parin ako umiimik nakikikinig lang ako sakanya habang umiiyak..oo as in umiiyak ako kahit di ko pa alam lahat dahil ramdam ko anh bigat ng damdamin nya habang nagsasalita..
hinawakan nya mga kamay ko at tinitigan ako sa mukha..tumingin ng deretso sa mga mata ko..at tinuloy nya ang kwento.
"birthday ng kaibigan ko si andy,kilala mo yun diba napakilala na kita sakanya minsan.."
inalala ko,oo tama kilala ko sya,kaya pala nung minsan nagkita kami ay parang di sya makatingin,nung tinanong ko sya tungkol kay bert..kaya pala....
"nung panahon na yun na nagkakatampuhan tayo,nayaya ako sa isang bday,party nag inuman kami..di ko na alam bakit ko nagawa un,basta nagising nalang ako katabi ko na ung higschool batchmate namin na alam kong matagal ng may gusto sakin,tart..patawad natukso ako...ang gago ko...nagpatukso ako" humagolgol na sya ng iyak..ako naman nakatulala at walang tigil ang pag daloy ng luha sa aking mga mata..naninikip ag dibdib ko..di ko maintindihan naramdaman ko that time.all i know is that i want to be dead nalang.sana lamunin na ako ng lupa.dahil alam ko sa sarili ko na may pagkukulang din ako,dahil halos di ko na sya nabigyan ng time dahil naging busy akonsa studies ko,di ko nabigyan ng time ang taong tumulong sakin simula nung napadpad ako dito sa city.ang taong laging nandyan tuwing kilangan ko ng tulong..gusto kong sisihin ang sarili ko.. kasalanan ko ba to?ang tanging tanong sa isipan ko..
"patawarin mo ako..nakabuntis ako at kilangan kong panagutan..dahil kilala mo ako ayaw kong may naagrabyado.kakilala sya ng pamilya ko..wala na akong magawa..magsisi man ako..huli na.."patuloy na saad nya.
"sana makahanap ka ng lalaking mamahal sayo ng totoo at di magpapatukso.sana mapatawad mo ako.alam ko wrong timing tong pagsabi ko pero ayaw ko na umasa kapa..dahil ayaw kong masaktan pa kita..araw araw kong dinadala sa kunsinsya ko kaya di ako makatulog,di ko kasi alam panu ko sasabihin sayo.."
halos di mag sink in sa utak ko ang mga nangyari nunf huli naming pag uusap ni bert,
hanggang ngayon manhid ang pakiramdam ko.parang ayaw ko na mabuhay...
naglasing ako kasama mga kaibigan ko,pumunta sa bar at kung saan saan pa para makalimot.hindi ko alam panu magsisimula..si bert ag 1st love ko,kaya subrang sakit.
galit ako oo galit ako sakanya pero wala ng magagawa ang galit ko.kaya mula nun naging bato ang puso ko.tanging sa isip ko lang manluluko lahat ng lalaki.babangon ako at gagantihan ko kayo.tanging salita na namutawi sa labi ko.
after 1st sim..nagstop na ako.nagpasya akong maghanap ng trabaho para makatulong sa mga magulang ko.nag apply ako ng trabaho.dun ko narin natutunan makipaglaro sa mga lalaki oo inshort naging playgirl ako..pero di kasama ang bataan of course no way,! aminin ko maraming nanligaw sakin after the break up,sinasagot ko pag napapakinabangan ko.ang sama ko diba.alam mo na may service kana may taga dala kapa ng meryenda.oo tama ang narinig nyu di ko gusto mga naging boyfriend ko.alam kong mali pero manhid na ang pakiramdam ko.subra ung epekto sakin ng last break up ko sa 1st boyfriend ko..
hanggang sa napasok aq sa isang sikat na tourist spot sa palawan,at takenote ha pag apply ko ngayon kinabukasan start na agad ako for training..oh diba taray ng lola nyu haha
nadala ata si manager sa tamis ng mga ngiti ko.
so far naging maayosnag naman ang trabaho ko.di maiiwasan na may inggit sa mga katrabaho..ikaw ba naman after 2weeks ng training pasok na agad.usually kasi 1month ang training,in my case 2weeks lang nakapagstart na ako agad. siyempre kaclose ko agad si manager na pogi ayeehh pero may asawa na un.kasalanan ko ba kung trip nya ako haha kaso sorry di ko sya type,i just need a job kaya ako nakikipagclose effec ako,diskarte ika nga pero hanggang dun lang un.were just friend.
until 1day may boss ask me to go to manila kasi need nila ng secretary sa isang branch sa manila.. syempre free ticket at free accomodation na tatanggi kapa ba,
isa pa pangarap ko talaga makarating sa manila noon pa.ito na ang pagkakataon ko na matupad mga pangarap ko.
agad akong nagpaalam sa aking mga magulang,nung una ayaw pa nila pero pinaliwanag ko sakanila ng maayos at sa huli eh pumayag naman sila..
naghahalong kaba at takot ang naramdaman ko ng mga sandaling iyon,lalo na wala akong kakilala dun,isa pa napaisip ako bakit talagang desidido si manager na papuntahin ako sa maniwala.parang i smell something fishy ika nga pero di ko nalang inintindi un.tanging nasa isip ko that time ay makaalis dito sa lugar na ito kung saan unang nawasak ang puso ko..
tanging pinagdadasal ko nalang na sana umayon saakin ang kapalaran.