Zary's POV
Nakakatawa lang dahil ang inakala naming lahat ay mali lang pala. Nakakaasar lang dahil nanahimik na kami pero bakit binulabog ulit kami? Wala na ba itong katapusan? Ang nakakainis lang dahil hindi namin alam kung sino ang nasa likod ng lahat na ito. Nakakainis na nakakaasar lang diba?
"Habulin niyo!"
Sigaw ng leader ng mga gangster na humahabol sa akin. Hindi nila alam na ang hinahabol nila ay siyang pinuno ng lahat ng mga gangsters. I stop from running, nakakapagod rin tumakbo. Hindi ko na nga alam kung ano ang nangyayari sa akin. Bakit? Bakit ginawa niya ito sa akin? Bakit niya ako....? Sighed! Ilan lang yan sa mga katanungan sa isip ko. I punched hardly ang isang lalaki na lumapit sa akin. Sinipa ko ng sobrang lakas ang isa pa sa may likod ko. Hinagisan ko naman ng kunai ang tatlong nasa kaliwa ko. Akmang susuntokin ako ng lalaki sa may harapan ko kaya bago pa dumapo ang kamao niya sa mukha ko ay inunahan ko na ito. Sinuntok ko ang dibdib nito na ikinatigil niya at ikinanlaki ng mga mata niya. Shock was written in his face, hindi ito makagalaw o makasalita man lang. Na miss niyo ba ang shot na ito, my signature shot?
"You messed up with the wrong person."
Sobrang lamig na turan ko. Napatigil naman silang lahat, bale nasa 15 ang lumaban sa akin ngayon. I smirked kaya nakita ko sa mga mata nila ang pagkagulat at hindi makapaniwala. Dahan-dahan silang napaatras, nakita ko sa mga mata at mukha nila ang pagsisisi, takot at panginginig. Dapat niyo lang iyan maramdaman dahil ang kilala niyong Cold Princess ay mas naging Cold pa ngayon. Isa-isa ko silang lahat binalian ng buto, hinagisan ng mga babies ko. At siyempre ang tatak Cold Princess shot ko, ang heartbreak shot. Hanggang isa na lang ang naiwan, walang emosyong dahan-dahang lumapit ako sa kanya. Nakikiusap naman ito sa akin.
"P-p-please, 'w-wag m-mo k-kong p-patayin. P-patawarin m-mo a-ako C-cold P-princess. H-hindi na m-mauulit, hindi n-namin a-alam na i-ikaw pala ang h-hinahabol n-namin. P-please na-n-nakiki-u-usap a-ako s-sa'yo."
Nakaluhod na utal-utal na paki-usap nito. Nakikita ko na bakas sa kanya ang sobrang takot. I smirked na mas kinatakot niya naman. Umiiyak itong nakiki-usap.
"Sino ang nag-utos sa inyo?"
Sobrang lamig na parang ginawin ka sa boses ko at may diin ang bawat kataga na tanong ko sa kanya.
"H-hi-hindi k-k-ko p-po a-al-alam C-cold P-princess."
Bakas sa boses nito ang takot at ang panginginig nito. Tss. Walang silbi, stupid weakling gangster. Hinawakan ko na ang ulo niya saka ko ito binali. Pinag-aksayahan niyo lang ang oras ko.
Kung sino ka man, humanda ka sa akin. You start the war, the new battle. Huhunting kita kahit sa saan ka man magtatago. Hindi kita titigilan. Kung nanahimik ka lang sana, di sana walang gulong sisiklab. Akala ko tuluyan na kaming mananahimik. 3 years na ang nakaraan, namuhay kami ng tahimik sa loob ng 3 years pero bakit bigla lang kaming binulabog?
"Ano daw kailangan nila?"
Tanong sa akin ni Teiph, nandito na pala siya. Hindi ko ito nilingon o sinagot man lang. Kinuha ko na ang mga pinanggamit ko kanina na pinanghagis ko sa kanila. Blood. I love blood. Nakakatuwa lang makakita ng fresh blood. Pinunasan ko isa-isa ang mga kunai at dagger ko at saka akong lumakad papaalis.
"Tory, sandali."
Pigil sa akin ni Teiph, tumigil naman ako sa paglalakad ko pero nakatalikod pa rin ako sa kanya.
"Tory, please come back to us. You need to go home."
Bakas sa boses nito ang pakiki-usap. Wala pa ring emosyon makikita sa mukha at mga mata ko.
"Umuwi kana."
Blankong mukhang ani ko sa kanya. Pinaramdam ko sa kanya na wala akong interest sa sasabihin niya.
"Tory? Bakit? Please Sis. Please umuwi kana sa atin."
Narinig ko ang mahinang pag-iyak nito. Kahit anong paki-usap ang gawin niya sa akin, 1 taon na na ganito palagi ang set up namin, susundan niya ako, makikiusap na bumalik pero mula noon hanggang ngayon, wala siyang makukuhang matinong sagot sa akin. Mas naging emotionless na ako ngayon, mas naging cold sa lahat kahit sa sariling pamilya ko, sa mga kaibigan, ang buong Black Exotic Gang. wala akong pinapakitang emosyon sa kanila at Cold rin ang trato ko sa kanila.
Hindi nila ako masisisi kung bakit naging ganito ako. Kung bakit mas naging cold ako. Kahit anong gawin ko hindi na ako makaramdam ng kahit anong emosyon, kahit anong feelings. Wala talaga akong maramdaman, mas naging blanko ang mukha ko at ang mga mata ko mas naging malamig ito at ang blue eyes ko double intense blue ito kapag nagagalit ako. Parang binalot ng yelo ang puso ko. Sobrang manhid at hindi ako makaramdam ng sakit, saya at lungkot.
"Back off."
Bakas sa boses ko ang lamig nito at pagkaseryoso ko. Naramdaman ko naman na natigilan siya at nabigla sa way ng pagkakasabi ko. Hindi niya siguro inasahan na maging ganyan ang pagkakasabi ko sa kanya kasi sa isang 1 taon na pagsunod at paki-usap niya sa akin ay hindi ako nagsasalita ng ganyan sa kanya tanging sinasabi ko lang ay umuwi kana at saka ako umalis ng tuluyan.
Nilingon ko siya at bakas sa mukha nito ang pagkalito, bigla at hindi makapaniwala.
"Bakit Tory? Bakit ka nagkaganyan? Hindi ka na ang Tory o Zary na nakilala namin. Talagang nagbago kana."
Bakas sa boses nito ang pagkadismaya. Blankong tumingin naman ako sa kanya, nakita ko sa mga mata nito ang pag-unahan sa pagdaloy ng mga luha nito pero kahit ganito ang pinapakita niya ang manhid ko pa rin, pero ngayon parang nakaramdam ako ng napakakonting awa sa kanya pero hindi pa rin sapat iyon para mapawi ang sakit na aking nararamdaman.
"Umuwi kana dahil hindi ko kayo kailangan at wala akong kailangan kahit sino."
May diin na turan ko sa kanya at bakas ang kalamigan sa tinig ko. Tuluyan ko na siyang tinalikuran at umalis sa lugar na iyon. Nakakita naman ako ng pader kaya tumalon ako papuntang taas ng pader, at tumalon naman sa bubong ng mga bahay. Iniwan ko siyang umiiyak sa lugar na iyon. Bago ako kanina tuluyang tumalikod, nakita ko siyang sapo ng dalawang palad ang kanyang mukha at doon humagulhol ng iyak habang nakaluhod ito.
I am not the Zary you used to know. Kung noon alaala ko ang kinuha nila ngayon ang pakiramdam ko naman ang kanilang kinuha. I felt nothing. Bakit kailangan ipagkait sa akin ang maging masaya? Ni hindi ko pa nga nasulit ang pagkakataon na maging masaya kasama ang pamilya't kaibigan ko. Dahil sa kagagawan nila kaya mas naging ganito ang pakiramdam ko.
I am cold as Ice, mas naging emotionless, kung noon may konting awa pa akong naramdaman ngayon wala na. Wala na akong maramdaman na kahit na ano. I became brutal. Nasasayahan ako na makakakita ng dugong dumadanak.
This is the new me.
Much stronger than before.....
Merciless
Notorious,
Fierce....
and fearless......
I am Typhanie Artoria "Zary" Shin,
the so called Cold Princess before
but now I am
The COLDEST QUEEN.
And
Welcome to hell! *smirk*
chellie15