Chapter 9

1679 Words
Matapos kong ayusin ang aking higaan ay naguunat-unat akong naglalakad papalabas ng bahay ni Mario. Natigilan ako nang makita ko si Sol na nakaupo sa may pampang habang nakatingin sa ilog. Napakamot batok na lamang ako nang makita siya. Ano kaya ang iniisip ng babaeng iyan, lagi na lamang siyang nakatingin sa tubig. Noong nasa Raw-an pa lamang kami nakatingin rin siya sa dagat. Ngayon naman nakatingin na naman siya sa ilog. Naglakad ako papalapit sa kanya at mukhang hindi nya yata ako napansin. Pinagmamasdan ko lamang siya habang nakatayo sa kanyang likuran. Nakita kong may hawak siyang bracelet na gawa sa seashells. Hinayaan ko lamang siya hangang sa nakita kong may tumulong luha sa kanyang mga mata. Napaiwas tingin ako ng makita ko iyon. Ito ang unang pagkakataon kong makita ang isang miyembro ng pamilya ng isang biktima na umaantay ng hustisya. Sa mga nagdaang panahon na mga nasolve naming kaso ganito rin kaya ang pakiramdam ng mga pamilya nila habang inaantay ang hustisya? Hinayaan ko na lamang siya roon at naglakad ako pabalik sa bahay ni Mario. Nakatingin lamang ako sa lupa habang iniisip ang bawat pag-iyak nya. Naawa ako sa kanya, the fact na siya na lamang ang natitirang umaasang mabibigyan ng hustisya ang kanyang pinsan. Lahat ng kamag-anak nya ay sumuko na sa paghahanap ng hustisya. Pero heto siya at gumagawa ng paraan para mabigyan ng hustisya ang pinsan nya kahit buhay nya pa ang kapalit. “Oh Sid aha si Sol? Oh Sid nasaann si Sol?” tanong sa akin ni Mario nang makabalik ako. Itinuro ko lamang ang ilog kung nasaan si Sol. Umupo ako sa upuan rito sa kanyang balkonahe. Ipinatong ko lamang ang aking isang paa sa kinauupuan ko at ipinatong ang braso ko roon. “Bay, sa tingin mo unfair ba ang hustisya rito sa Pilipinas?” walang emosyon kong tanong sa kanya habang nakatingin sa malayo. “Diba ikaw rin ang may sabi sa akin noon na mahaba ang proseso ng paghahanap ng hustisya. Ilang taon ang kailangang gugulin para makamit ang isang hustisya.” Saad nya sa akin. Natahimik naman ako sa sinabi nya. Tama nga naman ang paghahanap ng hustisya hindi madali. Kailangan pang dumaan sa maraming proseso sa korte. “Pero rito sa Pilipinas, masasabi kong oo. Ito kasi yung bansa Bay na kung mahirap ka hindi ka pariringan ng hustisya. Kung saan ang mahirap na tulad ko walang boses sa gubyerno at hustisya. Ginagamit lang naman kami ng mga politiko para maihalal sa puwesto. Pero pag dumating ang panahon na kinakailangan namin sila.” Saad nya at napailing siya. “Wala sila, binabalewala kami dahil ang tingin ng ibang politiko sa amin ay pabigat lamang kami sa gubyerno. Kung hindi naman dahil sa kanila hindi sila magiging politiko. Ganyan lang rin sa hustisya Bay.” Pagpapatuloy nyang saad sa akin. Napabuntong hininga na lamang ako nang marinig ko iyon. Alam ko namang ganito ang patakaran rito sa bansang ito. Lumaki rin ako sa hirap kung kaya’t nakikita ko ang dumi ng gumbyerno mula sa ibaba. “Ano bang kaso ng pinsan ni Sol?” tanong nya at napatingin ako sa kanya. Bumuntong hininga ako at ibinababa ang aking paa mula sa pagkakapatong sa upuan. “Pinatay noong June 12, 2003. Hindi pa nga alam kung sino ang killer magpahangang ngayon. Ang pinagtataka ko lang ay walang statement ang naglelead sa kaso kung sino ang totoong killer. At ang mas nakakapagtaka ay ni isa sa mga suspects ay walang may nagmatch na finger print.” Saad ko sa kanya. “Imposible naman ata iyon.” daing nyang saad sa akin at napatango ako. “Kaya nga Bay. Sa anim na suspects tatlo kasi roon mga pamangkin ng dating gobernor.” Saad ko sa kanya. Nakita ko ang pagkagulat sa aking sinabi. Napaupo naman siya ng maayos at napailing nang sabihin ko iyon. “Kung ganon may dawit rin pala ang gobernador na iyon. Kapag may kapit ka nga naman hindi imposibleng burahin lahat ng dumi.” Komento nya at napatango ako sa kanya. “Pero bay kilala ang gobernador na iyon bilang malinis at mabuting gobernador nitong probinsya na ito.” Saad ko sa kanya. “Kasi nga hindi lahat ng akala mong mabait at matuwid na leader ng bansang ito ay walang may itinatagong baho. Kahit gaano ka pang magaling na leader hindi mo pa rin maiiwsang may itago sa taong bayan.” Saad ng isang boses sa aking likod. Agad akong napalingon at nanlaki ang aking mga mata nang makita ko si Sol na nakatayo sa aking likuran. Nakita ko ang blankong eskpresyon sa kanyang mukha, nakita ko ang namamagang mga mata nya sa kakaiyak nya. “May alam ka pala bakit hindi ka man lang nagsasalita.” Malamig nyang saad sa akin at naglakad papasok ng bahay ni Mario. Sinundan ko lamang siya ng tingin habang naglalakad papasok ng bahay. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang sabihin niya iyon sa akin. Nakaramdam ko ng konsiyensya nang sabihin nya iyon sa akin. Mas pinili kong hindi magsalita sa nalalaman ko dahil akala ko hindi niya kailangan ang impormasyong alam ko. Napahawak na lamang ako sa aking labi habang nakatingin sa pintong pinasukan ni Sol. “Hindi mo pala sinabi sa kanya ang nalalaman mo?” tanong ni Mario sa akin at napatingin ako sa kanya at napailing ako. “Tsk, dapat sinabi mo. Kaya nga nandito iyan para alamin ang totoong nangyari. Akala ko ba nagtutulungan kayong dalawa pero bakit naglilihim ka sa kanya? Sid pulis ka responsibilidad ng pamilya ng biktimang malaman kung anong nangyayari sa kaso.” Saad nya sa akin. Napaisip naman ako sa sinabi nya sa akin. Tama nga naman siya sa mga sinabi nya, responsibilidad naming mga pulis na ipaalam sa pamilya ang nangyayari. “Akala ko kasi hindi nya kakailanganin ang impormasyong hawak ko. Alam mo naman na may tracking device siya sa mga suspects. Akala ko alam nya na lahat ng impormasyon.” Pagdedepensa ko sa aking sarili at napailing naman siya sa akin. “Hindi Sid, alam man o hindi ng pamilya kailangan mo pa ring sabihin. Mabuti pa kausapin mo siya roon.” Suhestyong saad nya sa akin. Napatingin naman ako sa kanya, at sinensyasan akong pumasok ng bahay para kausapin siya. Wala akong nagawa kung hindi ang tumayo at naglakad papasok ng bahay ni Mario. Naglakad ako papunta sa kwarto kung saan si Sol matutulog. Kahit hindi pulis itong ito Mario napakarami nyang alam patungkol sa mga bagay bagay. Matalino si Mario kahit hindi siya nakapagtapos sa pag-aaral. Agad kong kinatok ang pinto ni Sol, pero walang may sumagot rito. Napalingon naman ako kay Mario na nakaupo pa rin sa balkonahe. Sinenyasan ko siyang hindi sumasagot at sinenyasan nya lamang ako pabalik na katukin ko muli. Bumuntong hininga ako at maran kong kinatok ang kanyang pint. “Sino iyan?” rinig kong tugon nya mula sa likod ng pinto. “Si Sid ito, pwede ba tayong mag-usap?” tanong ko sa kanya. “Bakit pa? Hindi ba’t ayaw mo naman akong tulungan kaya nga’t hindi mo sinabi ang nalalaman mo.” pagmamatigas nyang saad mula sa likod ng pinto. Napabuntong hininga naman ako dahil sa inis. Napatingin naman ako kay Mario at sinenyasan kong ayaw akong kausapin. Nakita ko naman siyang natawa at sinenyasan akong pahabain ang pasensya ko. Bumuntong hininga akong muli sak hinarap ang pinto. Nakakaloko naman ito, hindi ako sanay na humingi ng dispetsa pero pangalawa ko na itong gagawin sa kanya. “Sorry kung hindi ko sinabi ang nalalaman ko. Sorry kung nagtago ako akala ko kasi alam mo na ang tungkol rito.” Saad ko sa kanya. Magsasalita pa sana ako nang biglang bumukas ang pinto. Napangiti akong lumapit roon kasabay ang pagtawag ko sa kanyang pangalan. Hindi ko pa nababangit ng buo ang kanyang pangalan nang may isang kamao ang lumapat sa aking noo. Narinig kong tumonog ang aking noo, napaatras ako sa lakas ng kanyang pagkakasuntok sa akin. Pakiramdam ko ay mawawalan ako ng ulirat dahil sa kanyang ginawa. Napakamasukista naman nitong babaeng ito, hindi ba pwedeng kausapin nya lamang ako ng maayos kesa nanununtok siya ng biglaan. “Kaya nga ako nandito dahil inaalam ko ang totoong nangyari. Tapos ikaw itong magtatago sa akin ng katotohanan. Ano pang silbi na magkasama tayo? Ginagamit mo lang ba ako para masabing ikaw ang nakasolve ng kaso?” isakandalo nyang saad sa akin. Napatingin naman ako sa kanya at nakita ko kung gaano siya kagalit sa akin. Hindi ako makapagsalita nang makita ko ang galit nyang mukhang nakatingin sa akin. “Kung ganon man din. Bukas ng umaga aalis na ako. I don’t need your help and the whole pulis department!” galit nyang saad habang dinuduro ang aking dibdib. “Pare-pareho lang kayong mangagamit. Kung hindi kayo madala sa suhol gagamit kayo ng ibang tao para maitaas ang iyong rango. Wala kang binatbat sa ibang mga pulis.” Nanlilisik nyang saad sa akin. Natigilan ako sa mga sinabi nya sa akin. Umalis siya sa aking harapan at pumasok sa loob ng kwarto nya. Napahawak ako sa aking noo kung saan lumapat ang kanyang suntok. Nadadama ko pa ang mainit nyang kamo sa aking noo. Napatingin ako sa pinto ng kanyang kwarto habang umiikot sa aking tenga ang kanyang mga sinabi sa akin. Gusto ko siyang subatan na hindi lahat ng pulis ay katulad sa kanyang inaakala. “Ok ra ka, bay?” tanong ni Mario habang tinatapik-tapik ang aking balikat. “Napakamasukista.” Saad ko habang napapailing. Narinig ko naman siayng natawa sa aking gilid. Napatingin naman ako sa kanya at nakita kong nakangiti siya habang nakatingala. “Naalala ko kayo ni Wedge dati.” Komento niya at napatingin sa sahig saka tumingin sa akin habang nakangiti. “Hindi mo kasi sinabi ng maayos sa kanya, talagang magagalit iyon ng ganon. Bumawi ka na lamang bukas.” Saad nya sa akin at tinapik ang balikat ko. Napatingin naman ako sa kanya habang naglalakad papasok sa kanyang kwarto. Napatingin ako sa sahig kasabay ang pagbuntong hininga ko. Naglakad lamang ako papunta sa balkonahe at umupo roon habang nakatingala sa langit. Tumakbo sa utak ko ang isinumbat sa akin ni Sol kung kaya’t napahilamos ako sa aking mukha. Naku naman Sid, pinipilit mong hindi maikumpara sa maduming pangalan ng trabaho moo pero heto ikaw ngayon. Ikunukumpara sa isang manggagamit na pulis para lang tumaas ang rango. Sol’s POV Inis akong napaupo sa aking kama habang nakatingin ng masama sa aking paligid. Nung una pa lang dapat hindi na ako nagtiwala sa pulis na iyon. Pare-pareho lang naman silang manloloko at alipores ng gubyerno. Simula pa noon hangang ngayon hindi ko mapagkakatiwalaan ang gubyernong ito. Bukas na bukas rin ay ako na ang maghahanap ng ebedensya sa kaso ni kuya. Hindi ko kinakailangan ang tulong ng pulis na iyon. Wala lang naman silang ginawa kung hind imaging sunod-sunuran sa maduming pamamalakad ng bansang ito. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD